Lorna tsugi: ‘Ang Probinsyano’ ‘di pa sisibakin sa Marso

Tahasang sinabi ni Lorna Tolentino na hindi totoo ang balitang magwawakas na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Marso.

“No, hindi. Ako hanggang March,” tugon niya.

“Pero si ‘Probinsyano’ tuloy pa. I think until May pero I’not sure kasi tuwing okey naman ‘yung naging istorya at okey naman ‘yung ratings ang hirap nilang palitan,” dagdag pa niya.

Sey pa ni LT: “Actually, magwa- 1 year ako sa March 1. ‘Pag umabot ako, isang taon na ako sa ‘Ang Probinsyano,” sambit niya nang makatsikahan namin sa grand opening ng Skinfrolic by Beautederm sa Ayala Malls Manila Bay, Parañaque.

Buong ningning ding sinabi ni LT na sini-share ang Beautederm products sa set ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Nu’ng Pasko raw ay may ibinigay sa kanya ang CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche Tan na ipapamahagi sa staff, crew at co-actors.

“Siyempre lahat sila meron,” pahayag niya.

Kahit si Coco ba ay binigyan niya?

“Yes binibigyan ko,” tumatawang pakli ni LT.

Sandara ‘di maka-move on sa pagkabuwag ng 2NE1

Aminado si Sandara Park na nasa kawalan pagkatapos mabuwag ang kanilang grupo na 2NE1. Bagama’t limang taon na ang nakakaraan ay nagiging emosyonal siya habang ikinukuwento ito.

Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Sandara sa Korean show na Video Star (translate ng soompi.com): “After our disbandment, I realized that I’d been very foolish about something. When we were promoting, I thought that I wasn’t necessary in the group, because the members all had such amazing voices. I thought, ‘If I sing more, then I’ll be a detriment to the group.’ So I couldn’t enjoy it.”

Pagtatapat pa niya: “After we disbanded, I worried a lot about what I should do now. I think I was very pessimistic for two or three years, and I lost a lot of my confidence.”

Nang mabuwag ang 2Ne1 ay umuwi siya sa Pilipinas. Naging hurado siya ng reality show na Pinoy Boyband Superstar. Nagkaroon din siya ng endorsement sa isang Filipino clothing brand at isang shampoo kasama si Mario Maurer.

Sa ngayon ay solo artist si Sandara ng YG Entertainment.