Team Standings W L
San Beda 11 2
Arellano U 10 2
Perpetual Help  9 3
Mapua 7 5
Jose Rizal  7 6
Letran  6 7
LPU  5 8
San Sebastian  5 9
EAC 4 9
St. Benilde  0 13

Mga laro bukas:(The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — LPU vs EAC (jrs)
11:45 a.m. — Perpetual Help vs Arellano (jrs)
2:00 p.m. — Perpetual Help vs Arellano (srs)
4:00 p.m. — Mapua vs San Beda (srs)

Tinuhog ng Letran Knights ang 57-40 panalo laban sa College of Saint Benilde Blazers upang kalsuhan ang kanilang five-game losing skid kahapon sa 92nd NCAA senior men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Umiskor si Rey Nambatac ng 13 points, walong puntos ang binanatan ni JP Calvo para ilista ang 6-7 karta ng Letran at upuan ang pang-anim na puwesto sa team standings.

Tangan ng Blazers ang 14-13 bentahe sa first canto, pero nagsimulang uminit ang opensa ng Knights sa second period para maagaw nila ang manibela, 33-43.

Lalong ginanahan sa third quarter ang Intramuros-based squad na Letran at umabot pa sa 26 puntos ang kanilang abante, 88 62.

“Siguro nanabik sa panalo kaya ginanahan sila,” patungkol ni Letran coach Jeff Napa sa kanyang mga bataan.

Timipa si Christian Fajarito ng 11 points at nine rebounds habang may walong puntos si JJ Domingo para sa Taft-based squad, Blazers na nalasap ang 13th straight game skid.

Hindi nakapaglaro sina Jerrick Balanza, Chris Dela Pea at Marvin Sario sa Letran dahil napatawan sila ng one-game suspension ng masangkot sila sa gulo kontra San Beda nakaraan.