Lote sinakop ng pinagbentahan

Atty. Claire Castro

Good afternoon po Attorney,
May tanong lang po sana ako. `Yung isang lupa po kasi namin ay nabenta na po. Katabi lang din po ng bahay namin.

Kaso lang po nakasakop sila sa lupa namin. Paano po ba ang proseso nun. Gusto ko po sana iayos. Ang problema ko po may pader po kasi tapos ay bahay nila. Pa-help naman po please.
Thank you,
Mildred

Ms. Mildred,
Ang sabi mo ay nabenta na ang lupa na ito pero may nag-encroach sa lupa na ito. Ang tanong ko ay ikaw pa ba ang pinapaayos ng buyer mo na ayusin ang problema about encroachment? Hindi pa ba naililipat ang lupa sa buyer mo?
Kaya ko nais malaman kung nailipat na ito sa buyer ay wala ka interest o hindi na ikaw ang interested party na magsampa ng kaso sa korte maliban lamang kung may Special Power of Attorney na ibinigay sa iyo upang ayusin ang problema.

Una mong gawin ay kausapin ang may-ari ng katabing lupa upang malaman niya na nakapag-encroach siya. Baka kasi `di nila alam na may problema.

Siguraduhin lamang na base sa plan survey ay nakapag-encroach talaga sila dahil baka ikaw naman ang may mali na impormasyon.

Kapag hindi kayo nagkasundo ay kailangan mo nang idulog ito sa barangay para sa isang conciliation. Kung hindi magkakasundo ay hihingi ka ng certificate to file action.

Magsasampa ka ngayon ng isang complaint sa korte kung saan ay hihilingin mo na maibigay ang parte na nakuha ng katabing lupa at bayaran ka ng danyos dahil sa maling ginawa nila.

Ipakita mo ang mga ebidensya mo at ang isa sa mga witness mo ay isang geodetic engineer na magpapatunay ng tamang “technical description” upang mabawi mo ang lupang na-encroach nila.

***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com