Magkatabi sina Lotlot de Leon at Tita Lolit Solis sa intimate presscon at contract signing kahapon ni Balot bilang bagong artist ng showbiz manager na si Leo Dominguez.

Kaya hiniritan namin ang dalawa na okey pala sila at hindi pala sila magkagalit.

Ibig bang sabihin ay okey na si Lotlot after nu’ng pangalawang Instagram post ni Tita Lolit pagkatapos nitong humanash kay Janine Gutierrez bilang depensa sa alaga nitong si Senator Bong Revilla?

“Oo naman. Kasi, si ‘Nay Lolit naman, sabi ko nga, kinalakihan ko na dito sa showbiz. Actually, halos lahat naman kayo, kinalakihan ko na rito, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa ng aktres.

So, ang anak niyang si Janine at si Tita Lolit ay okey na rin, ganern?

“Yeah, wala naman… ang liit ng mundo nating lahat. Hindi naman para mag-away-away o mag-ano. I think it’s but natural for everyone to give their opinions.

“So ako, I have so much respect for ‘Nay and everyone. Maliit ang industriya natin, we’re not supposed to burn bridges. Lahat naman tayo, dahil kumbaga, out of malasakit, ‘di ba? Ganu’n lang ‘yon.”

Sina Tita Lolit at Janine ay hindi pa raw nagkikita. Baling ni Tita Lolit kay Balot, “Itatanong ko lang sa ‘yo, Lot, bakit ganu’n ang feeling ni Janine about Bong Revilla?”

Sagot ni Lotlot, “I think, ‘Nay, siguro po, you and Janine should sit down and talk. I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf because she’s also a grown woman already.

“May sarili po siyang opinion and I think also that because of social media, lahat naman po tayo nakakapagbigay ng opinion, eh.

“Minsan, hindi tama sa pandinig ng ibang tao, minsan mali, but we all have I think the right to say that, to say what we feel, to voice our opinions.

“So, siguro lang po, talagang pag-uusap lang. Kumbaga, kung merong nasaktan nang konti o kung hindi naging maganda ‘yung dating, siguro it shoud be really personal. Dapat mapag-usapan, bakit mo nasabi or something like that. So that ma-clear po agad ‘yung whatever understanding that there may be.”

Sey pa ng 48-anyos na aktres, hindi niya puwedeng sabihin kay Janine na hindi ito puwedeng magbigay ng opinyon dahil unang-una, she has a voice of her own.

“So, even if she’s my daughter, I can only give her advice. Siyempre, alam naman ni Janine ang tama at mali rin. But she has the freedom to say what she feels is right.

“And I know that if she can say something that may be taken against her, siguro naman, kaya niya ring ipagtanggol ang opinion niya.

“Matalino naman ang anak ko, eh. Mabait din naman. Hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait ‘yung bata. I’m sure hindi naman niya intensyon na makasakit o may masabing may masasaktan ang kung sinuman.

“But ‘yun na nga, minsan kasi, kung ano ‘yung tama sa akin, maaaring mali sa ‘yo. ‘Yung mali para sa ‘yo, maaaring tama para sa akin.”

Sundot na reaksyon ng katabi ni Lot na si Tita Lolit, “At saka in-appreciate ko naman na hindi sumagot si Janine du’n sa ano.”

“Ay, hindi naman po kayo sasagutin ni Janine,” natatawang reaksyon ni Balot.

Ani Lot, lagi niyang sinasabi sa mga anak niya na bago magsalita ng kahit na ano ay pag-isipan muna nang 100 beses.

“So, si Janine, knowing her, when she voices out her opinion, it may be taken against her, it may be taken constructively or negatively, but that is her opinion. May karapatan siyang magsalita kung anuman ‘yon.”

Nakatrabaho na ba ni Lot si Sen. Bong?

“I know him personally, but I don’t think I’ve ever worked with Sen. Bong,” pakli ng aktres.

3 years ang pinirmahang kontrata ni Lotlot under LVD management. Wala pa siyang bagong TV show, pero meron siyang ginagawang series for iWant.

“Beauty Queens” ang title nito, na ang role ni Lot ay lesbian lover ni Ms. Gloria Diaz at may intimate scenes daw sila.

May short role din siya sa series na “Almost Paradise” na produced ng Hollywood producer na si Dean Devlin at line produced by ABS-CBN. Bida rito ang American actor na si Christian Kane.

Regine pinagtanggol ni Jaya sa pagkapahiya

Ang harsh talaga ng ibang netizens. Nag-tweet lang ng pakikiramay si Regine Velasquez kay Kobe Bryant kahapon ay napulaan pa ito dahil sa maling spelling.

“RIP Coby” kasi ang nai-tweet ni Regine, tapos ay ang daming OA na reaksyon kaya na-hurt si Songbird.

Emote tuloy ni Reg sa kanyang tweet, lagi raw siyang nagkakamali ng spelling pero puwede naman daw to correct someone without embarrassing that person.

Sey niya pa, “I have dyslexia, I have a hard time with spelling. Please be kind, again you can correct me without making me feel bad.”

Ang dami tuloy nag-send ng messages of support para kay Regine, kabilang na ang kumare niyang si Jaya, na sinagot ni Reg ng, “Thank you, mare. Struggle talaga siya mare and I’m always embarrassed by it.”

Sobrang apektado ang maraming taga-showbiz lalo na ang Kobe fanboys sa biglaang pagpanaw ng 41-anyos na basketball legend.

Si Apl.de.ap ay pinost ang old video ni Kobe na nagsasayaw ito ng tinikling.

Si Rayver Cruz ay parang namatayan ang feeling dahil sobrang idol niya si Black Mamba. Ang sakit-sakit daw at hindi siya makakilos, ayaw niyang lumabas ng kuwarto.

Ganu’n din ang pakiramdam ng younger brother ni Janine Gutierrez na si Diego Gutierrez na nakatsika namin kahapon sa presscon ng madir nito na si Lotlot de Leon.

Heartbroken ang basketball player na si Diego na #1 idol si Kobe at nakita ito nang ilang beses nang pumunta ito ng ‘Pinas.

Nagtawagan daw sina Diego at Rayver when they heard the sad news paggising nila kahapon at plano nilang lumabas to celebrate the life of the late NBA icon.

Si Jerald Napoles ay buong linggo raw iindahin ang sakit ng pagkamatay ng kanyang idolo.

Apektado rin si Rafa Siguion Reyna na nu’ng paslit pa ay may picture kasama ang favorite basketball player niyang si Kobe at may mahabang post nang mag-retire ito nu’ng 2016.

RIP, Kobe Bryant…