Lotlot nakipaglampungan kay Gloria

Lotlot nakipaglampungan kay Gloria

Dahil nga katatapos lang ng kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, natanong si Lotlot de Leon kung susunod na ba rito ang anak niyang si Janine Gutierrez at boyfriend na si Rayver Cruz na kapatid ni Rodjun.

Ayon kay Lotlot, so far ay wala pa naman daw siyang ganu’ng direksyon na nakikita sa kanyang anak.

“Si Janine kasi ‘yung tipong ‘pag may goal, she won’t stop until she gets it. So I know that for now, kahit kantiyawan siya ng ‘o, you’re next, you’re next,’ wala sa ano niya ‘yun.

“I’m sure, she thinks about it. I know she hopes that one day, she will settle down, she wants to have kids, pero ngayon kasi, ang ano ni Janine is magtrabaho,” pahayag ni Lotlot nang makatsikahan namin pagkatapos ng management contract signing niya with Leo Dominguez.

Ready naman ba siya if ever na magsabi na sina Janine at Rayver sa kanya?

“Ipinagdasal ko nga na huwag siyang ikasal sa age na 17,” natatawang sabi ni Balot.

‘Yun kasi ang age na ikinasal siya sa ex-husband na ngayong si Ramon Christopher. Buti na nga lang daw, nalampasan na ni Janine ‘yun dahil 30 years old na ngayon si Janine.

“Whatever she decides to do with her life now is really up to her,” sey ni Balot.

Samantala, pumirma ng 3-year full management contract si Balot kay Leo at kasama na niya sa management ang anak niyang si Janine.

Isa sa mga bagong project ni Lotlot ay ang iWant series na “The Beauty Queens” kung saan ay first time niyang makatrabaho si Gloria Diaz. Bukod dito ay lesbian ang kanyang role na first time rin daw niyang ginampanan.

May intimate scene sila ni Gloria sa nasabing serye at tawa nga nang tawa si Balot nang ikuwento na sinabihan daw siya ng aktres ng “ang lambot ng boobs mo.”

She’s also part of the Filipino cast of “Almost Paradise”, an Electric Entertainment production headed by Dean Devlin. She recently filmed her scenes with American actor, Christian Kane.

***

Tinanggap na rin finally ni Barbie Forteza ang tawag sa kanya na Primetime Princess.

“Eh kasi nga, parang saan pa ba tayo pupunta, ‘di ba?” katwiran niya.

Biro pa nga niya, pabata na raw nang pabata ang mga nakakatrabaho niya at Ate ang tawag sa kanya.

“Ate Barbs ang tawag sa akin ni Kate (Valdez),” natatawa niyang sabi.

Alam din naman daw niya ang malaking responsibilidad na kasama sa kanyang titulo.

“So, as much as possible, I am maintaining my image, I am maintaining my reputation and not going beyond that. Hindi naman para magpa-sexy na tayo. Wait lang muna,” sey pa niya.