NI: ROLDAN CASTRO

Suportado nina Lotlot de Leon ang hilig ng anak na maging basketbolista. Pangarap ni Diego Gutierrez na makapasok sa PBA (Philippine Basketball Association).

Naging team owners/managers sila ng kanyang mister na si Fadi El Soury ng basketball team na Quezon City Defenders, ang official team ng Quezon City sa National Basketball League (NBL).

Ang iba pang team owners ng Quezon City Defenders na bumubuo sa Six Corners Creatives, Inc. ay sina Dwight de Leon, Noel Garovillo, Anna Bathan at Atty. Zona Tamayo.

Sobrang ang pasasalamat ni Diego sa mommy niya sa suporta nito sa pangarap niya.

Mas type ba ni Lotlot na nasa sports ang anak kaysa sa showbiz?

“Actually, it’s his choice. Kung nasaan ang puso niya.Kasi, never naman akong nagpilit sa mga anak ko kung ano ang dapat nilang gawin,”pakli niya.

Bukod kay Diego (#8), ang iba pang Quezon City Defenders players ay sina Bryan Cabrera (#1), Enzo Battad (#2), Normel Delos Reyes (#0), Nikko Lazo (#12), Joshua Roque (#27), Joshua Bringas (#9), MJ Enriquez (#28), Christian Diaz (#3), Nikko Lao (#16), Mark Puspus (#17), Bryan Nabayra (#88), Dave Torregoza (#6), JR Barde (#34), Peter Cecilio (#21), Jeff Comia (#29), Adzhar Udjan (#77), Jake Bagon (#10), Patrick Boffa (#23), at Edric Estacio (#19).

Ang bayaw ni Lotlot na si Mickey Estrada (dyowa ni Matet) ang head coach. Assistant coach naman sina Don Zamora, Jeff Martin at James Garcia .