Louise at BF, going strong ang relasyon

Juancho Triviño at Louise Delos Reyes
Anne Curtis
Anne Curtis

DALAWANG pelikula ang ginagawa ni Anne Curtis, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend at Buybust.

Nagpapasalamat si Anne dahil naunang mag-umpisa ang shooting ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend.

Magaan ito sa pakiramdam, hindi katulad ng Buybust na mabi­gat ang tema at hitik sa action scenes kaya nag-training pa siya, kasama ang mga scout ranger.

“Mabi­gat ang Buybust kaya it’s a good thing na we started Bakit Lahat ng ­Gwapo May Boyfriend. Mahirap siya pero masaya dahil bago para sa akin,” kuwento ni Anne tungkol sa mga bagong movie project niya.

Co-stars ni Anne sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros samantalang si Brandon Vera ang kapareha niya sa Buybust.

***

Walang feelings na na-develop sa pagitan nina Juancho Triviño at Louise de los Reyes pero lumalim ang friendship nila nang magtambal sila sa Magkaibang Mundo ng GMA 7.

Malabo na magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil inamin ni Louise na going strong ang love affair nila ng kanyang boyfriend na hindi niya binabanggit ang pangalan.

“Hindi ko naman siya itinatago pero mas okey nang tahimik with your personal life para hindi nakatingin sa inyo ang mga mata.

“Mas importante ‘yung kung ano ‘yung sa inyong dalawa.

“For me, hanggang hindi kayo kasal, parang okey lang kasi you have your own personal life, you have your own work, you have your own space to talk about.

“Ako ngayon, andoon ako for him but mas gusto ko na ma-discover ang sarili ko and he’s letting me be at happy ako.

“I have new sets of friends, ang dami kong nakikilala from the advertising side.

“Kasi, kapag pumupunta ako sa events as blogger, ang dami kong nakikilala, ang dami kong natututunan mula sa iba’t ibang tao,” ang kuwento ni Louise tungkol sa kanyang personal na buhay.

***

Juancho Triviño at Louise Delos Reyes
Juancho Triviño at Louise Delos Reyes

Para kay Juancho Triviño, lalong lumalim ang pagiging magkaibi­gan nila ni Louise dahil sa kanilang madalas na pagsasama sa set ng Magkaibang Mundo.

“Syempre, araw-araw kaming magkasama. Lahat ng mga trip, lahat ng mga fun na gawin, nagagawa namin.

“Lumalabas kami, kaming dalawa lang minsan.Hindi naman sa date. Para sa amin, on a professional level, parang building camaraderie, para walang ilangan sa set,” ang sabi ni Juancho na mas gusto na walang kinalaman sa showbiz ang kanyang girlfriend para less complications.

Nang tanungin tungkol sa isyu ng mga video scandal na kinasasangkutan ng kanyang mga kapwa young actor, nagsalita nang tapos si Juancho.

Aniya, “We all know na mistake ‘yon. Siyempre, tao lang at iniwasan ko ‘yon.Si­gurado ako, wala, unless in-edit ang mukha ko.”

Ikinuwento ni Juancho na nakatanggap na siya ng indecent proposal pero hindi niya pinatulan.

“‘Yung mga numbers ko kasi, private nang sobra. So, kapag may mga nag-i-inquire sa akin o kapag may offer, talagang sinasala ng GMA Artist Center management.

“Syempre, may mga kaibigan pa rin ako na may lumang numbers ko kaya lumalabas (ang old numbers).

“May mga nag-o-offer na pumunta raw ako sa ganito. Bibigyan ako ng kotse pero huwag ko raw sabihin sa GMA Artist Center.

“Sabi ko, ‘Sige po, sabihin ko na lang sa Artist Center para maayos ‘yung schedule’, pero ayaw niyang pumayag.

“Hindi na lang ako nag-reply.”