Louise at Juancho, magpapakilig sa Baliwag at Malolos

Juancho Triviño, Louise de los Reyes, Dion Ignacio, Marika Sasaki, Isabelle De Leon at Liezel Lopez

MAMAYANG 5:00 PM na po ang mall show ng cast ng telefantasyang Magkaibang Mundo sa SM City Baliwag sa Bulacan.

Pangungunahan ito nina Louise de los Reyes & Juancho Triviño, kasama sina Dion Ignacio, Isabelle de Leon, Marika Sasaki at Liezel Lopez.

***

Back-to-back ang mall show ng cast members ng Sa Piling ni Nanay at Magkaibang Mundo bukas (Linggo) nang 5:00 PM sa Robinsons Place Malolos sa Bulacan.

Kumpirmado ang pagdating ng tatlong pangunahing bituin ng Sa Piling Ni Nanay na sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili.

Magpapakilig muli ang tambalan nina Louise & Juancho.

Ka-join pa rin ang co-stars nila sa Magkaibang Mundo na sina Dion, Isabelle, Marika at Liezel.

***

Magpapakilig sina Rafael Rosell at Kiko Estrada sa pagdiriwang ng Higalaay Festival bukas (Linggo, August 28) nang 5:00 PM sa Centrio Mall ng Cagayan de Oro City.

Bago ang Kapuso mall show, join din sina Rafael at Kiko sa Kapuso Barangayan sa Barangay Macabalan sa ganap na 3:00 PM.

Ang Higalaay Festival ay ang makulay na pagdiriwang ng mga Kagay-anon ng kapistahan ng kanilang patron na si San Agustin.

Sina Rafael at Kiko ang leading men sa GMA afternoon drama na Sinungaling Mong Puso.

***

Ipapakita ni Rita Daniela ang kanyang totoong personality sa
bagong celebrity singing competition ng GMA Network, ang Superstar Duets.

“Dito n’yo makikilala si Rita Daniela. Hindi ‘yung Rita na nakikita n’yo sa TV na actress or the singer,” aniya.

“Si Rita, eto ‘yung tunay na ako. Kaya rin tinanggap ko siya, kasi, para rin mawala sa ibang tao ‘yung image ko na kontrabida, tapos, akala nila, in real life ganoon din.

“Hindi po. Eto po ako, eto ‘yung gusto kong gawin. Gusto ko pong kumanta, mag-perform, magpasaya ng tao, lalo na magpatawa.”

***

Nag-celebrate sina Baeby Baste at Ryzza Mae Dizon kamakailan ng first anniversary ng kanilang friendship.

Sa Instagram account ni Baste, pinost ang photo nila ni Ryzza noong u­nang beses silang nagkasama sa Eat Bulaga studio noong nakaraang taon kung saan nanood si Baste sa The Ryzza Mae Show.

***

Mapapanood ang Koreanovelang Angel’s Revenge simula Lunes (August 29) nang 9:40 AM sa GMA Heart of Asia Mornings.

Tungkol sa paghihiganti ng nun-in-training na si ­Angel (Yoon So Yi).

Pinatay kasi ang kanyang matalik na kaibigan at pinakamamahal na kapatid na si Micah.