
SANDALING nakatsikahan namin si Louise de los Reyes kahapon at aminado siyang sobrang sumama ang loob niya sa pamba-bash sa kanya ng AlDub fans.
“It came to the point na sobrang below the belt na talaga.
“Hindi ko naman hahayaan na idamay pati buong pamilya ko, at ‘yung minamahal kong trabaho,” pakli ni Louise.
Sabi pa niya, “Parang they’re questioning ‘yung pagiging artista ko.
“I earned everything kung ano man ang nakukuha ko ngayon. For them to say that to me, hindi ko kayang tanggapin ‘yun.
“Pati sa parents ko, dinadamay ang mom ko, hindi na dapat.”
Hindi masabi ni Louise na naapektuhan ang friendship nila ni Alden. Matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkausap.
Nu’ng huling nakausap niya ang dating ka-loveteam, sinasabihan daw siyang huwag na lang pansinin.
Nasasaktan daw siya talaga nu’ng una, at iniyakan niya ito.
Pero ngayon ay nakasanayan na niya at natuto na siyang mandedma.
***
Hindi pa rin maiwasang ikumpara si Derrick Monasterio kay Alden Richards nang i-launch ang self-titled album niyang Derrick Monasterio ng GMA Records.
Kahapon sa press launch nito ay tinanong siya kung may pressure ba sa kanya na baka hindi nito mahigitan ang 5-time platinum ng album ni Alden.
Sagot ng guwapitong young actor, “For me, nag-umpisa ang success ko nang nakuha ko ang album.
“Having an album is already something for me. So, talagang kahit hindi siya ganu’n kalakas compared to Alden, basta ako, nasabi ko ang gusto kong sabihin sa mga kanta ko.
“Kumita lang po nang konti, happy na po ako. At least, natupad ang isa sa mga dreams ko na magkaroon ng album.”
Pati kay Maine ay naungkat pa rin ang umano’y panliligaw nito, pero isinara na ni Derrick ang isyung iyun dahil mas mabuting mag-focus muna siya sa kanyang career.
Naapektuhan siya noong na-link kay Maine, at mabuting nanahimik na ngayon.
“Nakaka-affect po, eh. Syempre ang bashers. Hindi rin kasi healthy ‘yan at nakakababa ng self-esteem,” pakli ni Derrick.
Out na ang self-titled album ni Derrick, at sa press launch nito kahapon, nagpa-sample siya ng ilang awitin.
Kinanta niya ang original song niyang Give Me One More Chance. Mas nagustuhan namin siya nang kinanta ang Kailangan Mo, Kailangan Ko ka-duet si Hannah Precillas.
Meron ding bonus track ang album na ito na ka-duet niya si Julie Anne San Jose sa kantang Ang Aking Puso. (GORGY RULA)