Louise, mas bobongga ang career

Louise Delos Reyes

NGAYONG nasa FPJ’s Ang Probinsiyano si Louise delos Reyes bilang PO3 Katrina Velasquez, walang dudang mas bobongga ang karera nito sa ka-Dos.

Nawa’y ang pixie­ dust na ibinigay kay Yassi Pressman, may sapat pa para kay Louise.

Sa totoo lang, she used to be one of the better princesses sa ka-Siyete.

Naging kapareha at nag-click sila dati ni Alden Richards. Ang hu­ling telefantasya niya with Juancho Trivino, may nanood naman.

Mas nag-ingay ang kanyang pangalan, siempre pa, when she was linked with Aljur Abre­nica.

Bukas na aklat ang chikang ‘inahas’ niya si Abrenica kay Kylie Padilla for the time being na magka-love team sila sa Kambal Sirena.

Nagkahiwalay sina Padilla at Abrenica. Eventually, nagkahiwalay rin sila ni Aljur.

Ang ending, naging sina Kylie at Machete muli at ngayon, they are expecting their first baby.

Si Abrenica, may mga sightings na rin sa ka-Dos. Hindi naman kaya si Louise ang sinusundan niya?

‘Pag ganu’n at siya talaga ang dahilan, ang ganda-ganda mo, girl. May taglay ka talagang pambihira!

Sa totoo lang, bagay nilang gawin ni Aljur ‘yung Diliryo, ‘yung pelikula dati nina Jomari Yllana at Giselle Toengi na may nakakapag-init na shower scene.

Sa action drama ni Coco Martin, kasaba­yan ni Louise sina Ejay Falcon, Ron Morales at Dominic Roque bilang SAF members.

Syanga pala, pakisabi sa production team, dapat super no make up look ang mga rebelde.

Nakakaloka na sina Mercedes Cabral at Yam Concepcion, parang may time pang makapagpa-parlor dahil laging ayos na ayos at well contoured ang mga kilay, may hint of lipstick st powder ang mga mukha nila.

Medyo distracting lang, isama na rin natin na halata rin ang hint of powder sa mga mukha nina Lito Lapid at Mark Lapid.

Keri na maglapot sila. Nasa bundok sila at supposedly, may ipinaglalaban, pero laging ayos na ayos ang mga itsura.

Lagi pang bago ang mga outfit. May styling team sa bundok, ganu’n?

Humahanga ang diva that you love sa ganda at husay ni Louise delos Reyes kaya good luck sa iyo.

Kung sa ka-Siyete, one of those princesses ka lamang… nawa’y sa ka-Dos, maging Reyna Kabogera ka.

***

The WHO Times Two para sa diva that you love sina Loisa Andalio at Sue Ramirez kaya kataka-taka ang chikang nag-aaway ang dalawa.

At ano ang pinag-aawayan? Lalaki!

May mga gatas pa sa labi, nagkakagulo na agad dahil kay Ronnie Alonte.

Dapat sa mga neneng ito, pagkukurutin sa mga singit, eh. Don’t tell me nanalig din kayo na si Alonte talaga ang hombre sa mahiwagang lara­wan kaya gusto ninyong isa sa inyo ang magmay-ari sa kanya?

Ito palang dalawa eh parehong naging ka-love team ni Alonte. ‘Yung isa raw, eh super unfollow ang isa. Nakarating du’n sa isa. Kaya ayun, may kaguluhan daw sila sa kanilang munting mundo ng mga istarletita,

Gandang lalaki problems pala ito ni Alonte, huh?!

Naku, Ronnie… ha­yaan mo na ang The WHO Times Two na ‘yan na magkagulo at mag-away-away.

‘Wag ka nang makisawsaw at magpaliwanag. Ang importante, maayos ang karera mo.

Kahit na ano pa ang sabihin mo, na kesyo best friend ang turing mo kay Loisa at itong si Sue naman, ang netizens ang dahilan kaya naging loveteam kayo, maniniwala ang mga fans (at meron pala silang fans) sa gusto nilang paniwalaan.

Magtrabaho ka na lang. At hayaan mo na ang The WHO Times Two na maging forever The WHO.