Louise, pinuri ni Selena

Louise de los Reyes

TUWANG-TUWA ang Kapuso star na si Louise de los Reyes sa pagkakapanalo niya ng meet and greet sa international pop star na si Selena Gomez.

Ani Louise, hindi ­niya makakalimutan ang experience na makilala ang popstar at ang pagkakataong makapagpa-picture dito.

Ang highlight daw ng kanilang meet and greet ay nang purihin ni ­Selena ang kanyang outfit at nagsabing, “Hi! Your outfit’s so cute! Give me a hug!”

Bida si ­Louise sa panghapong telefantasya ng GMA 7 na Magkaibang Mundo, katambal si Juancho Triviño.