Louise, ‘sinundan’ ni Aljur

Louise Delos Reyes

AS expected, ang kanyang best asset, ang katawan niyang panromansa ang unang ipapa­kita ni Aljur Abrenica ­bilang official Kapamil­ya ­member.

And what an entrance sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang Miguel, ­hubad-baro, agad-agad!
In full display ang toned abs at kulay niyang Pinoy na Pinoy.

Ang tanong, pag ipina­labas na kaya ang episodes niya, mapapanood ba natin kung may reunited and it feels so good ba silang mga eksena ni Louise de los Reyes na kasama rin sa show ­bilang SAF member?

Kung hindi pa written off si Louise sa show, ibig sabihin ba nito, ang former lovers ay maaring magkaaway o magkaibigan sa top rating drama?

At ang pinakaimportanteng tanong, mahabang-mahaba na ba ang buhok ni Louise dahil at the rate things are going, gusto bang i-pursue ni Abrenica na maging magkaibigan silang ulit, as in “close,” really “close” friends like before?