WALA na pala si Louise de los Reyes sa GMA Artists Center?

Nakatanggap kami ng balitang pumirma na raw ito sa Viva Artists Agency at maa­ring ipasok na rin sa ABS-CBN.

Natawa lang kami nang tinawagan ng isang kaibigang reporter na nagtatanong kung sino itong Louise na papipirmahin sa Viva.

I-cover daw nila ang contract-signing kahapon, kaya lang, habang papunta siya ng Viva iniisip daw niya kung sino itong aktres na mula sa GMA 7.

Tinanong kami kung sikat daw ba itong si Louise de los Reyes. Sinagot ko naman ng kung sikat ito, eh sana nakilala na niya at hindi na niya ako tinanong kung sino ito.

Pero kung matutuloy ang pagpasok nito sa Kapamilya network, malaki ang tsansang sisikat na at makilala!

One Response