Love naka-mask, glove sa praktis

TULOY ang training ng Cleveland Cavaliers pero dahil may banta pa rin ng COVID-19, suot ng ilang player ang face mask at glove bahang nag-eensayo.

Kwento ng star player nilang si Kevin Love, kakaiba ngayon ang experience nila sa pag-eensayo dahil bukod sa sinusunod nila ang social distancing, nakasuot pa sila ng face mask at gloves.

“Our facility has been really odd because we have to do 1 guy to a basket and we have 4 main baskets at our facility, and everybody is in masks and gloves,” saad ni Kevin.

Nakakapanibago aniya na may suot silang gwantes at takip sa ilong at bibig habang nagpapasa at sumasalo ng bola.

“It’s really odd to have a rebounder in a mask, in these latex gloves, throwing passes and throwing you a ball. You almost have to put that out of your mind and act like it’s not even there,” aniya.

Weird man ang kanilang training ay saludo pa rin ang pinaabot ni Love sa management dahil protektado sila sa nakaambang panganib.

“I think it’s needed,” pagsang-ayon pa nito. (Aivan Episcope)