Loveteam, NANGANGANIB sa endorsement

Contract

HAVEY: Bagong buwan na at may mga bagong pelikulang magbubukas bukas, ang Moonlight Over Paris nina Elizabeth Oropesa, Sophie Albert, Ellen Adarna & Vin Abrenica at ang reshowing ng Chinoy: Mano Po 7 nina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee at marami pang iba.

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival ay wala pang major Filipino film ang major-major na kumita na umabot sa P100M mark.

Pinaka-OK na ang Mang Kepweng Returns sana which could have earned more kung less ang production cost, but their P50M+ more gross is just OK.

Labis na naapektuhan ang mga pelikulang Extra Service, Ilawod, Darkroom, Foolish Love, Across The Crescent Moon, Swipe at Sakaling Di Makarating.

Bakit kaya nagdedelikado pa sa takil­ya ang mga pelikulang Pinoy?

Sabi ng isang direktor, “Many felt that the movies shown after the MMFF were those which did not make it sa list. So people have this notion that these are not good films.”

OK sana kung ‘yun nga pero may magaganda ring pelikula na hindi naman rejects ng MMFF.

Sayang.

Isa pang obserbasyon, “One factor would be budget issues for the lower income strata.

Recovering from Christmas expenses + gasoline and other prices trending upward.

“Cinema dates or family movie nights out are postponed muna, till March or even summer.”

May punto ito. Ibig sabihin, tipid-tipid muna ang mga tao lalo na’t napakamahal na rin ang admission fee ng sine.

Eh sa darating na Valentine’s season, mag-pick up na kaya ang kita ng mga pelikulang Pilipino? Sana naman.

***

WALEY: Mukhang na­nganganib mawalan ng endorsement ang isang popular na loveteam.

Usap-usapan sa isang umpukan ng advertising executives ang hirap na dinaraanan nila sa mag-loveteam na ito na parang napipilitan lang na mag-attend ng kanilang corporate events na na-set na dati pa.

Bukod sa pagkanta, may ilang spiels lang na inaasahang sa­sabihin nila bilang endorsers pero noong una, umaayaw-ayaw pa ang mag-loveteam.

Kinailangang pagsabihan sila ng kanilang manager para gawin nila ito.

Good luck sa tandem na ito kung ire-renew pa sila ng kompanya.

Kung sakali man, wake up call ito sa kanila dahil medyo tumamlay ang career nila pagkatapos ng isang project na medyo hindi kinagat ng supporters nila.

Kailangan nilang bumawi at magpakitang-gilas hindi lang sa fans nila, kundi sa mga kliyente at katrabaho nila.

***

WEHHHHH: Hindi pa rin makapaniwala ang mga kaanak na pagkatapos mag-jerk at gumalaw si dating Caloocan Mayor Macario ‘Boy’ Asistio nang marinig na kumanta ang anak na si Ynna ng paboritong You Light Up My Life ay sumakabilang buhay na ito kahapon ng 10:55 AM sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center.

Muli, ipinaaabot ang aming dasal at pakikiramay sa pamilya nina Nadia Montenegro at nina Ynna, Alyanna at Annicka Asistio.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.