LILIPAT na ng bagong bahay si Lovi Poe at doon na siya mag-i-spend ng Pasko.

Pero nilinaw ni Lovi na walang kinalaman ang desisyon niyang lumipat ng bagong bahay dahil sa failed relationship nila ni Rocco Nacino.

Two years ago pa nabili ni Lovi ang 3-bedroom new place niya na ang tawag niya ay “bachelorette” dahil hindi mas­yadong kalakihan.

Noong una, investment lang ang bagong bahay at hindi niya pinlanong tirhan.
Pero nahihirapan na siya sa lugar niya sa Acacia Estates sa Taguig City.

Iisa ang pasukan at labasan doon at sobra na ang traffic, kaya titirhan na lang niya ang bago niyang bahay.

“If not end of November, first week of December po ako lilipat. Inaayos pa. Ini-interior pa lang.

“Sabi naman, mid-October, puwede nang lipatan, pero busy pa rin po kasi ako sa taping ng Someone To Watch Over Me namin ni Tom (Rodriguez) sa GMA 7 at may iba pa akong works, kaya hindi ko pa rin maaasikaso na lumipat kaagad,” lahad ni Lovi.

‘Yung tinitirhan niya ngayon ay pauupahan niya at semi-furnished ‘yon dahil ang ibang gamit niya ay ililipat niya sa bago niyang bahay.

‘Yung iba, idi-dispose niya, kaya balak niyang magpa-garage sale soon.

“’Yung traffic kasi sa lugar namin, parang hindi ko na kinakaya, kaya lilipat na ako somewhere in Commonwealth na mas malapit sa tapings ko.

“Like today, mas nakatulog sana ako ng mas mahaba, kasi, Fairview ang taping ng Someone To Watch Over Me.

“Eh, ako pa naman, kapag may taping, aalis na ako before 6:00 AM dahil ayokong ma-late sa calltime ko.

“Kung sa Commonwealth na kasi ako umuuwi, mas makakatulog pa ako dahil mas malapit sa work,” sey pa ni Lovi.

Inusisa rin namin si Lovi tungkol sa French guy na si Chris Johnson na kahit bumalik na sa Paris ay natsitsika pa rin na boyfriend na niya after na maghiwalay sila ni Rocco.

Nanindigan si Lovi na kahit nami-miss niya si Chris, hindi pa rin silang dalawa.
Hindi pa raw official ang panliligaw nito sa kanya.

“Saka hindi ako nagmamadali. Pero I admit na masaya ako kapag magkasama kami ni Chris and sa tingin ko masaya rin siya, pero wala pa. Hindi kami nagmamadali.

“Hindi rin niya sinasabing nanliligaw na siya sa akin. So, I guess, ine-enjoy lang namin pareho kapag magkasama kaming dalawa,” sabi pa ni Lovi.

Pagdating sa karelasyon, hindi siya ‘yung tipong gusto niyang inii-spoil siya, pero gusto rin niya na inaalagaan siya.

“Hindi naman ‘yung sa bine-baby, pero gusto ko rin naman ‘yung ina­alagahan ako. Ganoon.
“Hindi naman ‘yung tipong sobrang inii-spoil, pero inaalagaan talaga,” paliwanag niya.

Pagdating sa teleserye nila ni Tom na Someone To Watch Over Me, natutuwa si Lovi na natigil na rin ang pamba-bash sa kanila ng iba kaugnay sa intimate scenes nila.

Malaki ang pasasa­lamat ni Lovi na mismong ang girlfriend ni Tom na si Carla Abellana ang nakakaunawa na trabaho lang ang ginagawa nila ng aktor sa teleserye.

“And I thank Carla for that. Salamat din dahil natigil na ‘yung pamba-bash sa amin,” sey pa ni Lovi.

***

Nakita namin si Santino at ang nanay niyang si Kai Palomares sa Greenhills, San Juan noong Martes nang gabi.

The who sina Santino at Kai?
Si Santino ang anak sa pagkabinata ni Jericho Rosales.

Si Kai ang dating model na naanakan ni Jericho.

Ang laki-laki na ni Santino at nag-aaral ito sa isang private school sa Makati City.

May hawig si Santino sa amang si Jericho, pero mas matangkad siya sa kanyang tatay!
At mas pogilicious!

Artistahin si Santino, pero mukhang mas gusto niyang makatapos muna ng pag-aaral.

4 Responses

  1. PUEDE RIN PALANG C JOBERT SUCALDITO EH?KC KUNG DI BANAMAN SUPER KATI NG BAKLANG TO PATI PIPINO IPINASAK SA BUTAS NG ANU NYA?HAY NAKU !NAPAKA LAKI MUNG JOKLA LOLA JOBERT!