Lovi at Rocco, oras na para magkanya-kanya

Chris Johnson at Lovi Poe

GUWAPING ang French guy na feeling ng marami ay bagong boyfie ni Lovi Poe.

Pinost ni Lovi sa Instagram ang pic nila ni Chris Johnson na pareho silang may hawak na alcoholic drinks.

“After all the French Rivieras, Pa­ris’s & more… Tu vas me manquer PoeCoup,” ang caption dito ng pume-French speaking na si Lovi.

“I will miss you,” ang English translation ng “Tu vas me manquer,” kaya mukhang despedida ‘yon for Chris bago ito umalis ng bansa.

Hindi lang pala ‘yung non-showbiz girl friend niya ang ka-bonding ni Lovi nang magbakasyon siya sa France kamakailan, kasama niya rin pala that time si Chris, hindi niya lang sinasama sa pictures.

After ng kanilang French bonding ay pumunta rito ang hunky guy at ipinasyal ito ni Lovi.

Nag-Bora sila at may pinost na pala si Lovi na pic nila before na shirtless si Chris at nagdi-drinks sila sa may Shangri-La Boracay.

Sumunod doon ‘yung island adventure nilang dalawa na sabay silang nangangabayo sa may dalampasigan at may pa-hashtag ang Kapuso actress na #LoviChrissy.

May mga nagreak sa IG posts ni Lovi at sinabing tume-Taylor Swift siya na ang bilis maka-move on at magpalit ng boyfriend.

Ang ex-BF niyang si Rocco Nacino ay mukhang hindi pa nakaka-move on.

Ang daming nagwi-wish na magka­balikan sina Lovi at Rocco, pero may mga nagkomento rin na karapatan ni Lovi na maghanap ng ibang lalaki na gusto niya.

Rocco Nacino
Rocco Nacino

Ang paliwanag ng 27-anyos na Kapuso actress, it’s time for them ni Rocco to grow as individuals.

Naka-2 years din ang relasyon nila, pero ang sabi niya, they’re too young to carry that kind of relationship.

Itinanggi rin ni Lovi na boyfie niya ang French guy na si Chris. Magkaibigan lang daw sila.

In fairness ay puwede ‘yon, na dating lang sila at ine-enjoy lang ni Lovi ang pagiging single niya.

Gaya ng madalas niyang hirit sa amin, she’s just having fun. No commitment. Na tama rin naman, gaya sa kaso ni Chris na taga-France.

Enjoy-enjoy at fun-fun! PAK! GANERNN!!