LUMABAS na noong weekend ang FHM cover ni Lovi Poe kung saan ay naka-two-piece siya at may nakapulupot na ahas.

Ang komento ng marami, bilib sila dahil very class pa rin ang dating ni Lovi.

PAK!

Kung ibang artista siguro, baka bastusin na ang dating, pero iba ang dating ng leading lady ni Tom Rodriguez sa Someone To Watch Over Me.

Ang maganda pa kay Lovi, napakaganda ng dating ng FHM cover niya dahil napakaganda rin ng kanyang katawan.

Kahit kasi mahilig kumain si Lovi, maa­laga siya sa kanyang katawan at kapag may pagkakataon ay nag-e-exercise talaga.

May mga nagsasabi nga na hanga sila kay Lovi dahil napaka-flat ng kanyang tummy, huh!

Yummylicious ang dating ni Lovi sa FHM cover at katakam-takam siya sa kalalakihan, ‘noh?!

***

Jay Manalo
Jay Manalo

Kahit brusko ang da­ting niya, never nagkaroon ng issue na nanakit ng girlfriend o misis si Jay Manalo.

Ayon sa aktor, laki siya sa kanyang lola at tinuruan siya nito na minamahal ang mga babae.

Ang ginagawa niya noon sa kanyang mga girlfriend, kapag may problema at nina-nag siya, hindi niya pinapatulan at lumalayo na lang siya.

Kapag nananakit na ang babae, umiiwas siya.

“Naturuan ako ng lola ko na ang mga babae, eh, minamahal. Inaa­lagaan at hindi sinasaktan!” madiing pahayag ni Jay.

“Kapag nina-nag naman ako, hindi ko tinatapatan. Umaalis na lang ako. Pero kapag ‘yung nananakit na mismo, lu­malayo na ako. Lalayuan ko na kapag ganoon,” sabi ni Jay.

Pagdating sa kanyang misis na si Raissa, maganda ang kanilang relasyon.

Hindi siya ‘yung tipong ander de saya.

“Talagang mabait lang ako, pero hindi naman ako ander de saya.

Maunawain ako as a husband, kaya maganda ‘yung pagsasama namin ng misis ko,” sabi pa ng aktor.

Kabaligtaran si Jay ng character niya sa pelikulang Higanti kung saan ay binalak pa niyang patayin ang misis na si Assunta de Rossi sa pelikulang ‘yon.

“’Yung role ko sa Higanti, malayo sa totoong ako. Ayokong pahirapan ang mga taong mahal ko!” dagdag pa ni Jay.

***

Wala kaming masyadong nakitang celebrity sa UAAP game kahapon ng De La Salle University Green Archers vs. Ateneo de Manila University Blue Eagles sa MOA Arena.

Pahirapan kasi ang tickets kahapon dahil big game ‘yon.

Si Ogie Alcasid na palaging nanonood ng DLSU game, wala rin dahil dinalaw ang mga anak na sina Leila at Sarah sa Australia.

Going back to the DLSU vs. ADMU game yesterday, hindi natupad ang request na magsuot ng black ang supporters ng dalawang top UAAP teams to show unity against extrajudicial kil­lings.

Napakarami pa rin sa supporters ng DLSU ang naka-green at naka-blue ang majority ng ADMU supporters.

***

Marami ang bilib sa nanay ni Albie Casiño na si Mommy Rina.

Sa mga pananalita kasi si Monmy Rina ay obvious na hindi siya vindictive kahit ang anak niya ang naiturong tatay noong una ng anak ni Andi Eigenmann.

Kahit katakut-takot na bashing ang inabot ni Albie at ng kanilang pamilya dahil sa pagkakasangkot ng kanyang anak sa nabanggit na issue, nag-dialogue pa rin si Mommy Rina na hindi kailangang mag-public apology ang kahit na sino.

Kung naiba-iba si Mommy Rina ay baka nagpupuputak na siya at nag-demand ng public apology, pero siya na mismo ang nagsabing tama na ‘yung na-vindicate si Albie.

Samantala, inaasahang sisipa na ang career ni Albie ngayong napatunayang hindi siya isang binatang ama!

Ang tsika, pinaplano na ng ABS-CBN at Dreamscape ni Deo Endrinal ang mga proyekto na para kay Albie.

Kung matatandaan, kahit may issue kay Albie, ang Dreamscape ni Deo ay hindi nagdamot ng mga proyekto para kay Albie!