BUMALIK sa Vigan, Ilocos Sur ang grupo nina Lovi Poe at Tom Rodriguez para sa taping ng Someone To Watch Over Me teleserye nila sa GMA 7.

Sa Vigan unang nag-location taping ang nasabing teleserye ng Kapuso network.

While in Vigan, du­malaw kay Lovi ang ex-boyfriend niyang si ­Ro­nald Singson.

Parehong ipinost nina Lovi at Ronald sa kani-kanyang social media accounts ang pagkikitang ‘yon.

Walang dapat ili­him sina Lovi at Ro­nald tungkol sa pagdalaw ng huli sa una sa taping ng Someone To Watch Over Me dahil kahit naghiwalay, good friends pa rin ang turingan nila.

Noong bagu-bago pa lang silang naghiwalay ay may insidenteng nagkasabay mag-check-in sa Philippine Airlines counter sa NAIA 2 sina Lovi at Ronald.

Nagbatian at nagtsikahan silang dalawa na patunay lang na walang bitterness sa hiwalayan nila.

Kapag natatanong si Lovi about her ex-boyfriend ay madalas niyang sabihin na okey silang dalawa at walang imposible sa pagiging magkaibigan na status nila.

Eh noong taping ng Someone To Watch Over Me ay nasa Vigan talaga si Ronald kung saan ay kilalang politi­cal clan ang pamilya nila, kaya mas okey na dinalaw niya si Lovi sa set kesa dedma lang ang anak ni Manong Chavit Singson, huh!

Siguro naman, sa tagal nang natapos ang relasyon nina Lovi at Ronald ay wala nang mang-iintriga pa sa naging­ pagkikita nila, ‘noh?!

Anyway, naaliw kami sa caption ni Ronald sa picture nila ni Lovi na ipinost niya sa Instagram (@ro­naldsingson), “Look who decided to visit Vigan! May ‘The Escort’ na ako, may ‘Someone To Watch Over Me’ pa! #ViganTaping miss @poevirginia.”

Bongga at tumulong pa si Ronald sa pagpo-promote ng very successful movie and TV projects ng ex-girlfriend, huh!

Teka! Matanong si Ronald kung habang nagre-recuperate siya mula sa pagkaka-fracture ng right lower leg niya sa isang motorcycle race ay pinapanood niya gabi-gabi ang Someone To Watch Over Me ni Lovi at kung nanood na ba siya ng The Escort na second week of showing na bukas?!

Hanggang ngayon pa ang taping sa Vigan ng Someone To Watch Over Me. Bukas pa babalik ng Maynila ang cast and staff.

Bukod kina Lovi at Tom, kasama rin sa Vigan taping sina Edu Manzano, Jackie Lou Blanco at Max Collins.

***

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Ilang taon din na magkasama sa Valentine concert sina Regine Velasquez-Alcasid at Martin Nievera, pero sa Pebrero 2017, ‘hiwalay’ muna sila.

Na-announce nang si Lani Misalucha ang kasama ni Martin sa Pebrero 14 at 15 sa ­Masquerade concert sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino (may Pebrero 12 muna sila sa Waterfront Cebu).

Nagtatanong ang fans ni Regine kung ano at saan naman ang Valen­tine concert ng Asia’s Songbird.

According to Cacai­ Velasquez-Mitra na sister cum manager ni Regine, meron pero ia-announce pa lang ang details ­tungkol doon.

Kino-confirm pa kung sino ang makakasama roon ni Regine.

Pero ang tsikang nakarating sa amin, ­hindi ‘yon makakatapat ng Masquerade nina ­Martin at Lani.

***

Nasa Amerika pala ang mag-asawang Julius Babao at Cristine Bersola-Babao para sa kanilang annual vacation.

Nanood sila ng Pacquiao-Vargas boxing fight sa Las Vegas, Nevada.

Nakatsikahan doon ng mag-asawa si Miss Universe Pia Wurtzbach at may photo opportunity pa sila.

Tuwing bumibiyahe,­ madalas na bumili ng vintage toys si Julius.

Collector ng vintage toys ang news anchor ng ABS-CBN.

Madalas na nag-e-excess baggage sila sa kanilang mga biyahe dahil sa dami ng vintage toys na nabibili ni Julius.