Marami ang pinabilib sina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao sa kanilang mga love scenes sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” .

Ang nasabing pelikula ay palabas ngayon sa mga sinehan nationwide.

Sa kabila ng pagkakataon ng foreign boyfriend ni Lovi, ang US-based British producer na si Montgomery Blencowe, walang pakialam ang singer-actress pagdating sa mga daring scenes.

Ultimo si Direk Joel at mga leading men niya ay napahanga sa kanya.

Nagkaroon din ng butt exposure si Marco sa “Hindi Tayo Pwede”.

Gamit ni Daboy pinaligpit ni LT

Wala nang trace ang dating bahay nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino sa White Plains subdivision .Ipinagiba na ito ni LT para tayuan ng tatlong magkakahiwalay na bahay na titirahan mismo ni LT at ng dalawa nilang anak ni Daboy na sina Rap at Renz. Nasa magkakahiwalay silang na bahay na nasa isang compound.

Ipinaligpit na rin ni LT ang mga personal na gamit ng kanyang namayapang mister.

Kapag naitayo na ang tatlong bahay, tiyak na wala nang bakas ng mga happy memories sa dating lumang house.

LA record producer na

Bukod sa sariling recording career ay pinasok na rin ni LA Santos ang pagiging record producer sa pamamagitan ng bago niyang tatag na sariling record label, ang 7K Sounds . Suportado ito ng kanyang ina na si Flor Santos.

Bakit 7K Sounds ang pinangalan niya?

“There are more than seven thousand islands ang Pilipinas. Ang isa sa mga pangarap ko ay makapag-perform ako sa lahat ng sulok ng Pilipinas,” pag-amin niya.

Patuloy pa ring pino-promote ni LA ang kanyang self-titled debut album at ang kanyang bagong single na “Sala sa Lamig” . Sarili niya itong komposisyon sa tulong ng isang co-writer na si Paula Alcasid.

Naging passion na ni LA ang pagkanta since she was 13 nang kantahan niya ang kanyang lola sa kanyang kaarawan. Doon umano na-discover ng kanyang mommy na may talent pala ang kanyang anak sa pag-awit. Magmula noon ay in-encourage siya ng kanyang mommy na ipagpatuloy ito.

Si LA ay abala ngayon sa SM Mall Tour.