MARAMI ang gandang-ganda sa eksenang nagsi-zip line sina Lovi Poe at Tom ­Rodriguez sa trailer­ ng bagong teleserye ng GMA 7, ang Someone To Watch Over Me na magpa-­pilot telecast na sa Lunes.

Magka-holding hands sina Lovi at Tom sa eksena at kung pagmamasdan sila, mukhang in love na in love sa isa’t isa.

Sa kuwento ni Lovi, mukhang madal­i lang ang ekse­nang ‘yon, pero ­sobrang nahi­rapan siya.

Nang nakasabit na sila sa zip line, sobrang takot na takot si Lovi at parang ayaw na niyang gawin ang eksenang ‘yon.

Halos ayaw niyang­ bumitiw sa kable.

Si Tom, natatawa sa reaksyon na ‘yon ni Lovi, pero supportive ang aktor sa bagong leading lady.

Hindi niya binitiwan ang kamay ni Lovi na para bang binibigyan niya ang dalaga ng assurance na kakayanin nila ang e­ksenang ‘yon.

“Akala namin, aayaw na talaga si Lovi dahil takot na takot siya. Pero pinagbigyan pa rin niya kami at ginawa niya ‘yung zip line scene nila ni Tom.

“Nang ine-edit na namin ‘yung eksenang ‘yon, ang ganda-gandang lumabas. Parang hindi takot si Lovi. Parang napaka-sweet nila ni Tom,” pahayag ng executive producer ng Someone To Watch Over Me na si Michele Borja.

Pinost ni Michele sa social media ang behind the scene ng zip line scene na ‘yon.

Matatawa na maaawa ka sa itsura ni Lovi na ­takot na takot at gusto nang magpababa sa zip line.

Nasa Instagram din ni Lovi ang video ng eksena nila ni Tom sa zip line.

Say ni Lovi, “Simple lang naman ang eksena na gagawin namin ni @akosimangtomas … ang mag-zip line na magkahawak ang kamay… ang tagal pang gawin dahil may taong sobrang takot sa heights!!”

Maraming eksena sa Someone To Watch Over Me ang kinunan sa Ilocos­ Sur na lugar ng ex-boyfriend ni Lovi na si ­Ronald Singson.

Walang problema kay Lovi ‘yon dahil kahit­ ­hiwalay na sila ni Ronald,­ friends pa rin sila.

Kapag nagkikita, nagbabatian silang dalawa.

***

Excited ang fans ni Maine Mendoza dahil bali­tang lalabas siya bukas sa first anniversary celebration ng Sunday PinaSaya.

Of course, magkakasama sila roon ng BF niyang si Alden Richards.

Tuwing nagge-guest si Maine sa Sunday Pina­Saya, inaabangan ‘yon ng fans, kaya asahang makakatulong ang guesting niyang ‘yon para lalong mamayagpag sa ratings ang nasabing show.

Samantala, kahit maraming nang-iintriga at may mga namba-bash sa iba’t ibang social networking sites sa phenomenal star ng Eat Bulaga, hindi­ masyadong nagpapaapekto roon ang dalaga at patuloy na pinagbubuti ang kanyang trabaho.

Bale ang fans ni Maine ang talagang dumedepensa sa dalaga kapag may mga namba-bash sa kanya.

Sobrang mahal ng fans si Maine dahil sobra rin silang mahalin ng dalaga.

Appreciated ni Maine ang pagtatanggol sa kanya ng kanyang loyal fans!