NAKITA ko sa Revel Club noong Sabado si Rocco Nacino.

Kung hindi pa ako binati ni Rocco, hindi ko siya mamumukhaan.

Parang pumayat ang ex-boyfriend ni Lovi Poe.

Yes, you read it right, EX, dahil tuluyan na silang naghiwalay.

Noong una kasi, ek-ek lang yata ang hiwalayan nila dahil nakikita pa silang magkasama kung saan-saan, pero ngayon, hiwalay na raw talaga sila.

Kaya si Rocco, nakakagimik-gimik na sa Revel Club na mag-isa.

A little birdie told us na madalas niyang makita sa nasabing club na located sa The Palace sa UpTown area ng The Fort Global City sa Taguig City ang isa sa stars ng Encantadia ng GMA 7.

Eh si Lovi naman, mukhang walang panahon sa gimik dahil abala siya sa bagong series niya sa Kapuso Network, ang Someone To Watch Over Me with Tom Rodriguez, at sa Regal Entertainment movie na The Escort with Derek Ramsay and Christopher de Leon.

***

Nagpunta kami sa Revel Bar dahil sa launch party ng reality TV series ng pamilya Gutierrez, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, na magpa-pilot telecast na mamayang 8:30 PM sa E!

Unang dumating sa venue ang mag-lovey-dovey na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na nag-stay muna sa Naya Café habang hinihintay pa ang ibang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Afterwards, namataan na rin namin sina Raymond at Elvis Gutierrez (kasama ang misis niyang si Alexa Uichico) at sumunod na ang mag-asawang Eddie at Annabelle (Rama) Gutierrez.

Panghuling dumating si Ruffa Gutierrez.

Another little birdie told us na may gap na naman ang mag-inang Annabelle at Ruffa, pero in fairness, lumapit ang actress/TV host sa kanyang parents para bumati.

Wala silang kakaibang “eksena” sa lugar na ‘yon.

Ikinuwento ni Bisaya na akala ni Ruffa ay hindi siya pupunta roon dahil check ito nang check sa kanyang alalay kung bakit late na ay hindi pa siya nagbibihis.

“Panay ang tanong ni Ruffa sa alalay ko kung pupunta ba talaga ako rito dahil late na raw, eh, hindi pa ako nagbibihis.

“Alam ko na nagtse-check siya dahil kung hindi ako pupunta, pa­pupuntahin na naman niya si Jordan (Mouyal, Ruffa’s boyfriend).

“Hindi kasi niya mapapunta ang boyfriend niya kapag pupunta ako,” sey ni Bisaya.

During the event, kung saan kasama rin namin ang CosmoSk in owners na sina Niño Bautista at Red Gatus, panay ang dialogue ni Bisaya na tanong nang tanong si Ruffa kung anong oras siya uuwi.

Obviously na pasusunurin nito si Jordan sa event na ‘yon, kaya ang palaging dialogue ni Bisaya, 3:00 AM na siya uuwi.

Hindi rin naman nakatiis sa antok si Bisaya, kaya before 1:00 AM, nagpaalam na siya at nag-dialogue na tiyak na excited na si Ruffa sa pag-alis niya at mapapasunod na ng anak ang boyfriend.

Pero hindi namin namataan sa Revel Club si Jordan kahit wala na si Bisaya, huh!

 ***

Namataan din namin sa Revel Club ang mag-asawang Dougs at Cheska (Garcia) Kramer, pati si Patrick Garcia.

Birthday raw kasi ni Cheska at may konting selebrasyon doon.