Lovi iwas-buryong sa bahay

Lovi iwas-buryong sa bahay

Nagbahagi ng tips sa kanyang Instagram followers si star Lovi Poe kung paano gagawing makabuluhan ang pagpalipas ng oras sa kani-kanilang tahanan sa panahon ngayong ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Lovi, panahon na raw ito upang linisin ang makalat na gallery ng ating mga cellphone, magbasa ng libro na matagal nang isinasantabi, gumawa ng smoothies at mga masustansiyang inumin, linisin anga ating mga damitan, at makipaglaro sa ating mga alagang pets na siguradong pampatagal anxiety din. Sa huli, pinaalalahanan din ni Lovi ang lahat na mag-ingat sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit. Hindi rin nakalimutan ng magandang aktres na pasalamatan at ipagdasal ang mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemic na ito, “We’re lucky we get to stay at the comfort of our homes while they’re making a huge act of love for everyone with their selflessness and service.”

Samantala, mapapanood si Lovi sa upcoming romance-comedy na Owe My Love na katambal si Benjamin Alves. Kasama rin sina Aiai Delas Alas, Leo Martinez, Winwyn Marquez, Nova Villa , Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco . (Roldan Castro)