Lovi kinilig sa aktor ng ‘Money Heist’

Worldwide sensation ang Spanish series na ‘Money Heist’, na umabot ang kasikatan hanggang sa Pilipinas.

Kaya naman kahit sinong fan ng Netflix series ay tiyak na kikiligin kapag binati ng isa sa aktor ng serye.

Isa ang aktres na si Lovi Poe sa mga maswerteng napansin ng isang aktor ng ‘Money Heist’ na si Enrique Arce, ang gumanap na Arturito.

Binahagi ni Lovi sa kanyang Instagram story ang video message ni Arturito, na pakulo pala ng kanyang boyfriend na si Monty Blencowe.

“How are you Lovi? This is Enrique Arce. Arturito. Money Heist. La Casa De Papel. Yeah that character that you love so much. You know why I know that? Monty told me,” sey ni Enrique sa bati kay Lovi.

Si Lovi ay nasa long distance relationship kay Blencowe, isang movie producer na nakabase sa Los Angeles.

“He said he loved binge watching the show with you. He’s waiting for season 5 to see it with you also. And he misses you a lot. Poor guy misses you a lot. He really wants to see you soon. He wants to see you soon more than he wants to see La Casa De Papel 5. Take a note of that. All right, Lovi. Big kiss,” sey pa ni Arturito.

“Woke up to this! Omg @montyblencowe. A million miles away yet you never fail to make me feel kiligg. I miss you too. Thank you my love!” tugon naman ni Lovi. (RP)