Lovi, lutang ang diwa

WALANG halong kaplastikan nang sabihin ni Mother Lily Monteverde na love na love niya ang stars ng The Escort movie na magsu-showing na sa mga sinehan bukas.

Pare-pareho kasing masisipag mag-promote ng The Escort sina Lovi Poe, Derek Ramsay at Christopher de Leon.

Sina Lovi at Derek, pati malalayong malls eh pinupuntahan para sa mall shows.

Kahit puyat si Lovi sa taping ng Someone To Watch Over Me ng GMA 7, wala siyang reklamo sa napakara­ming promo schedules ng The Escort.

Sabi ni Lovi, nakikita nila kung gaano gastusan ni Mother Lily ang promo ng The Escort, kaya kahit puyat, ganado sila sa pagpo-promote ng pelikula.

Lalo pa nilang ikinatuwa na nabigyan ng MTRCB ng R-13 without cuts classification ang The Escort.

Iyung intimate scenes nila ni Derek, pati ‘yung sa kanila ni Christopher, at ‘yung love scene ni Derek with Jean Garcia sa swimming pool ay mapapanood.

Aminado si Lovi na para siyang nasa cloud 9 after ng premiere night ng The Escort sa dami ng mga pumuri sa kanilang pelikula.

Nakakataba raw ng puso ang positive feedback sa movie.

Si Mother Lily, all smiles at patalun-talon pa tuwing may pumupuri sa kanyang latest movie.
“With all the nice feedback, lalo pa akong ginaganahan na mag-produce ng maraming pelikula.

“Of course, aside my stars, thankful din ako sa (entertainment) press na palaging tumutulong to promote my movies.

“Now we even have social media, kaya kahit wala akong sariling TV network, maayos namang naipo-promote ang mo­vies ko,” sey nga ni Mother Lily.

***

Ka-Viber text namin kahapon si Congressman Alfred Vargas. Nasa Bulgaria ang actor/politician. Wala kasing session ngayon sa Congress, kaya nagbakasyon muna siya.

Hindi ang misis niyang si Yasmine Espiritu-Vargas at dalawang anak na babae (sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra) ang mga kasama niya sa Eastern European trip niya kundi ang mga kapwa niya kongresista na sina Congressman Sonny Belmonte at Congressman Kit Belmonte.

Sa Hunyo kasi niya isasama uli sa Europe ang misis niya at dalawang anak na babae.
Taun-taon ay nagpupunta sila sa lugar nina Yasmine sa Italy.

Bale last day nila kahapon sa Bulgaria at nag-land trip sila papunta sa Romania.
“Ang exit namin, sa Istanbul (Turkey),” impormasyon pa ni Alfred.

Sobrang enjoy sila sa trip na ito dahil kahit napapakain, panay ang lakad niya na ma­laking tulong para pumayat pa siya.

Tamang-tama lang ang madalas niyang paglalakad sa European vacation nila dahil kapag nag-start siyang mag-shooting para sa Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa movie ay medyo mas maliit na siya.

Kahit medyo lumaki si Alfred, in fairness, yummylicious pa rin ang dating niya at marami pa rin ang natatakam sa kanya.

Iyon lang, very faithful siya sa kanyang misis na si Yasmine, kaya walang ibang babaeng nali-link sa kanya.