MAKIKISAYA ang mga bida ng tele­seryeng Someone to Watch Over Me sa Masskara Festival ng City of Smiles.

Makikipag-bonding sina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collin sa kanilang Negrense fans bukas (Biyernes) ng 5:00 PM sa Kapuso Mall Show sa SM City Bacolod Main Atrium.

Sa susunod na Sabado (October 22), magsasabog ng kasiyahan ang mga bida ng telefantasyang Encantadia sa na­sabi ring mall.

Darating doon sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Klea Pineda, at Migo Adecer.