Doon pa rin sa presscon ng Someone To Watch Over Me na magsisimula na sa GMA Telebabad sa September 5, napilitan si Lovi Poe na sagutin ang isyung break-up nila ni Rocco Nacino.

Nagulat daw si Lovi nang nabasa niyang sinabi ni Rocco na siya ang nakipag-break at hindi ‘yun mutual decision.

Ani Lovi, “I was surprised na siyempre I was expecting that somethings should be kept private sana, at saka even if I’m the one initiated it, hindi ko dapat ipagsabi ‘yun sa lahat.

“Since sinabi naman po niya, siguro, kung me­ron siyang gustong iparating sa akin, puwede niyang ideretso sa akin. Ako rin, kung may gusto akong i­ parating sa kanya.”

As much as possible ay gusto niya sanang maging private na lang itong tungkol sa break-up nila ni Rocco, kaya bakit pa raw nagsalita ang dating boyfriend.

Itinanggi niyang may third party involved.

Ang isyu sa kanila ni Ronald Singson ay naging magkaibigan lang daw sila. Halos lahat na ex-boyfriend niya ay na­ging kaibigan niya.

Rocco Nacino
Rocco Nacino

Sana, maging ganun din daw ang sa kanila ni Rocco na magkaibigan pa rin sana sila.

“I don’t wanna burn bridges with Rocco. I’m open to be in friends with him. Rocco is a good guy at may pinagsamahan kaming dalawa,” pakli ni Lovi.

Kaya friends pa rin daw sila at nagpa-follow sa social media dahil marami raw siyang good memories sa dating boyfriend. Basta sa nga­yon ay gusto raw muna niyang mag-focus sa sarili na mag-isa lang siya.

“I want to do things on my own. There’s nothing wrong with the relationship.

“It’s just that, may mga bagay na gusto mo munang gawing mag-isa. Siguro, maraming babaeng makaka-relate naman sa akin.

“It’s nice kasi, is you learn on how to be independent and you grow as a person bago mo ibigay ‘yung sarili mo sa ibang tao, kailangang sigurado ka na kayang-kaya mo na ang sarili mo na buo ka na,” dagdag na paha­yag ni Lovi.

***

MALAKING challenge kay Tom Rodriguez ang role niya sa bagong drama series niya sa GMA 7.

Tampok si Tom sa Someone To Watch Over Me kasama sina Lovi Poe at Max Collins.

Gagampanan ni Tom ang role ng isang may early onset Alzhemier’s Disease at ang dami niyang natutunan sa karakter na iyun.

Kuwento ni Tom, naka-relate siya sa kuwentong ito dahil naram­daman niya kung gaano kabigat sa pamilya kapag merong mahal sa buhay na dumaan sa malalang karamdaman.

Dumaan sila sa ma­laking pagsubok kamakailan nang magkasakit ang kanyang ama.
Kaya pala nag-Amerika siya nu’ng sinu-shoot niya ang indie film niyang Magtanggol ay dahil inoperahan doon ang kanyang amang si William Mott.

Na-diagnose na nagkaroon ng Carcinoma ang Daddy niya sa may dibdib at may nakitang tumor sa bandang lungs nito.

First time na may ganung pangyayari sa kanilang pamilya kaya sobrang apektado sila.
Ani Tom, “‘Yung Tatay ko ang pinakamalakas na taong kilala ko. Naramdaman niya ‘yung sakit, ininda niya lang.

“For 6 months, hindi niya alam. Saka siya nagpadoktor, ‘yun pala, advance na.”

Sobrang close silang pamilya kaya kailangan niyang umuwi ng Amerika para samahan ang kanyang ama nang inoperahan ito.

“Never pa ‘to nangyari sa family namin na may nagkasakit and especially seeing the strongest guy, you know your idol go through that, mahirap.

“Hindi ko alam kung paano mag-react, paano mag-adjust,” saad ni Tom.

“The fact na nakita ko kung paano siya magpursige, paano niya nalabanan, kung paano siya nag-focus, mas lalong bumilib ako. Sana, madala ko ‘yun.

“Sana matutunan ko ‘yun para sa sari­li ko. Hangang-hanga ako sa Tatay ko,” dagdag pang pahayag ng Kapuso actor.

Ngayon ay okay na raw ang Daddy niya at bilib siya sa pagiging malakas nito sa edad na 76. Ang bilis daw ng recovery pagkatapos itong ope­rahan.

“I think magki-chemo siya uli para hindi na bu­malik. Pero sa edad na 76, nakaya niya,” pakli ng Kapuso actor.

Pagkatapos ng o­perasyon at chemo, nasa Alternative Medicine raw ngayon ang ama ni Tom na ni-legalize raw ito sa Amerika.