Ayan na, umariba ang certified “brown girl” na si Lovi Poe. Talaga namang nakakawindang ang kanyang pagbalandra ng kaseksihan.
Kaloka to the max ang aura ng Kapuso star dahil kuntodo liyad sa pag-i-emote ng kanyang sexiness.
Ibang klase talaga ang angas ng alindog ni Lovi.
‘Yung landi niya sa mga photo shoot, professional.
Kayang talbugan ni Lovi ang sinumang international bikini o lingerie model sa husay nitong mang-akit sa social media.Hindi siya pakakabog sa mga Bench model.
Ma-i-elya ang kahit sinong mortal na santo sa alindog ng aktres at sa pamatay niyang pigura.
Kahit si Eva ay mahihiyang tumapat sa tindi ng dating ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr.
Ang kabuuang alindog, karisma at kaseksihan ay hindi kayang pakawalan ng GMA-7 na siyang mother network ng aktres.
Well, kakaiba ka talaga Lovi! Isa kang Lodi!