MASYADONG na-inspire si Lovi Poe sa bago niyang Kapuso drama series katambal si Tom Rodriguez kaya nagawa niyang makapagsulat ng kanta.

After ng presscon ng Someone to Watch Over Me ay na-inspire si Lovi sa karakter niyang si Joanna na asawa ni TJ (Tom), na nagkaroon ng early-onset Alzheimer’s disease, kaya naisulat niya ang kantang Sana’y Maalala.

Sey ng Kapuso actress, kahit titulo ng kanta ang Someone to Watch Over Me ay hindi ito gagamiting theme song ng serye, kaya may chance na ‘yung sari­ling composition niya ang maging theme song nito.

Posible rin na may nakuha nang kanta na gagamiting official theme song ng nasabing Kapuso drama at maging second theme song ‘yung Sana’y Maalala ni Lovi, na in fairness ay akmang-akma sa tema ng soap opera, na unti-un­ting nawawala ang alaala ni Tom dahil sa Alzheimer’s.

Maging si Tom ay tuwang-tuwa at na-excite sa ginawang kanta ni Lovi.

Matagal nang mahilig magsulat ng songs si Lovi, mula pa nu’ng grade school siya, kaya marami-rami siyang naipong sariling compositions.

Ngayong gabi na ang pilot telecast ng Someone to Watch Over Me sa GMA Telebabad pagkatapos ng Descendants of the Sun.

Maraming halikan dito sina Lovi at Tom bilang mag-asawa sila na inlab na inlab sa isa’t isa.

Meron din silang love scenes, na ang gusto ni Direk Maryo J. de los Reyes ay maging makatotoha­nan ang dating at makumbisi ang mga manonood na nagmamahalan talaga sila.