Lovi, nasarapan kay Tom

Lovi at Tom

KANTIYAW pa more kay Tom Rodriguez ang co-stars niya sa bagong Kapuso drama na Someone to Watch Over Me dahil binak-to-back niya ang pakikipag-love scene sa leading ladies niya na sina Lovi Poe at Max Collins.

Natatawang kuwento ni Lovi, ang suwerte ni Tom dahil sa isang taping day nila, nu’ng umaga ay si Max ang ka-love scene nito, tapos ay medyo nag-shower lang ito at siya naman ang sunod na ni-love scene.

Panunukso pa ni Lovi, alam na alam ni Tom ang ginagawa nito sa eksenang ‘yon. Hindi nito nakalimutan kung anong gagawin.

As in wala itong Alzheimer’s that very moment.

Mister ni Lovi na may early onset Alzheimer’s disease ang papel ni Tom sa bagong primetime series ng GMA.

Nagkasama na noon sina Lovi at Tom sa pelikulang Temptation Island, pero hindi sila magkapareha roon at wala silang masyadong eksena.

Masaya si Lovi na katrabaho ngayon si Tom dahil napakahusay daw nitong aktor.

Ang sarap-sarap daw katrabaho ng Kapuso hunk dahil very giving ito na co-actor at ‘pag kaeksena niya ito ay ang dami niyang nakukuhang emosyon.

“Ang galing-galing ni Tom, I was really shocked,” bulalas ni Lovi.

Marami silang kissing scenes sa STWOM. Sabi sa amin ni Lovi, at least ay may nakaka-kiss siya sa harap ng kamera.

Nabanggit niya na ang sarap-sarap katrabaho ni Tom. Masasabi niya rin ba na ang sarap-sarap kahalikan nito?

“Ha! Ha! Ha! Parang ang weird sagutin, ‘no?

“I’m happy dahil maalaga si Tom at very gentleman.”

Late ang timeslot nila, kaya ang sey ni Lovi ay maraming mature scenes. Ipapakita nila ang nangyayari talaga sa mga nagmamahalan.

Sa September 5 magsisimula ang Someone to Watch Over Me na papa­litan ang magtatapos nang Juan Happy Love Story.