Hindi natakot si Lovi Poe sa ahas na kasama niya sa FHM pictorial.
Tweet ng bidang babae sa teleseryeng Someone To Watch Over Me, “People have been asking me if I was afraid of the huge pythons during the shoot. I wasn’t.
“But there was this one time… off cam… I held it face to face. Nagkatitigan kami… I swear, nasindak ako. #FHMLovi”
***
Kakulangan ng allotted na theaters ang dahilan sa pagkaka-pull out ng showing ng Siphayo sa mga sinehan sa dapat opening day nito kahapon.
Wala pang nababanggit na bagong playdate ang pelikula nina Nathalie Hart, Joem Bascon at Luis Alandy.
Good luck na lang!
***

ONLY In The Philippines nangyayari na pagkatapos mahuli dahil sa marijuana si Mark Anthony Fernandez ay nagpa-picture at nakangiti kasama ng mga babaeng pulis sa presinto.
Ibang klase!
***
Nakakakilig ang post ng Sa Piling Ni Nanay actor na si Mark Herras tungkol sa kanyang sweetheart na si Winwyn Marquez na kasama recently sa Cebu.
Para kay Winwyn, ‘workcation’ nila ito. But for Mark, this is different.
Caption ni Mark sa parehong video na in-upload nila ng girlfriend sa Instagram, “The best love is the kind that awakens the soul; that makes us reach for more; that plants the fire in our hearts and brings peace to our minds. That’s what I hope to give you forever. Love you ga @wynmarquez”
***
Never-ending ang kulitan at tawanan na hatid ng Kapuso comedy shows na A1 Ko Sa ’Yo at Bubble Gang.
Ngayong gabi sa A1 Ko Sa ’Yo, may bagong sexy talents na dadalaw kay Digna (Jaclyn Jose).
Hindi magpapadaig si Miley (Solenn Heussaff) sa kanila.
Si Primo (Roi Vinzon), hindi na kayang itago ang tunay na pagkatao.
Magladlad na kaya siya?
***
Hitik na naman sa katatawanan at kabulastugan ang Bubble Gang bukas ng gabi sa GMA 7.
Makitawa sa SOYSAL NA KULUNGAN kung saan may dalawang lalaking nagpaplanong pumasok.
Nakakaaliw na eksena sa pagitan ng waiter at customers na umoorder ng pagkain sa MAARTE RESTO.
Wagas ang pag-iwas ni Paolo Contis sa pag-inom ng alcohol sa sketch na SOBER NA.
***
Viral ang topless dance video nina Jak Roberto at Lucho Ayala sa Instagram.
Tsalap-tsalap ang kanilang 6-pack abs.
Pinost ito ng Kapuso hunks habang nasa break ng kanilang shoot para sa isang episode ng GMA investigative show na Imbestigador kung saan kasama nila si Gabby Eigenmann.
***
Nakabalik na from London ang GMA reporter na si Mark Zambrano.
Medyo napaka-showbiz at well documented sa social media ang kanilang relasyon ng Traffic Diva na si Aicelle Santos.
Huli na yata kung plano pa ring mag-showbiz ni Mark na nagtangka rin pala noon na pasukin ang pag-aartista.