PALABAN ang description ni Derek Ramsay kay Lovi Poe.
Magkapareha ang dalawa for the first time sa sexy-drama film ng Regal Entertaiment na The Escort at ang sabi ni Derek ay palaban si Lovi kahit gaano kapangahas ang eksena.
Si Lovi naman ay naramdaman ang pagiging maalaga sa kanya ni Derek.
Lumabas ang pagiging marespeto ni Derek sa isang love scene nila sa pelikula na ayaw gawin ni Derek kay Lovi ang isang partikular na sexual position.
Natatawang kuwento ni Lovi kahapon sa presscon ng The Escort, ang sabi sa kanya ni Derek, pag ginawa niya ang eksenang ‘yon ay itutulak siya nito at paa na lang nito ang gagamitin nito sa nasabing eksena.
“Kasi, he’s super respectful. Other guys would actually just go for it. Pero siya, talagang may respeto siya na, ‘Lovi, no. It doesn’t look good para sa ‘yo,’” bulalas ng Kapuso actress.
Ayaw sabihin ni Lovi kung ano ‘yung eksaktong posisyon na ayaw ni Derek na gawin sa kanya.
Nang hulaan namin kung doggie style ba ito ay natawa si Lovi.
“Kayo na lang bahala mag-interpret. Your imagination na lang. I don’t want it to come from my mouth! Ha! Ha! Ha!
“Basta, you have to watch it, kasi there are certain parts sa script na na-shock talaga ako, na I asked my director na, ‘Direk (Enzo Williams), sobra ba ‘to?’”
Bakit? As in pa-porno na ba?
“Hindi siya pa-porno, eh. Doon mo makikita ‘yung imagination ng isang lalaki. So, parang wow!
“So, medyo nag-usap pa kami ni direk kung tatanggalin ba o ilalagay. But then we ended up doing it, so you have to watch it.
“In terms of (sexual) position, i-imagine n’yo na lang. Ako kasi, I said na if the movie asks for it, I’ll do it.
“But nag-usap kami ni Derek. Sabi niya, ‘Lovi, no. It’s you. Not you.’ Siya na mismo nagsabi. Lalaki na ‘to.
“Kasi ako, as an actress, parang maybe I’ll consider it. Pero siya, ‘No!’”
May touch of kinkyness ang love scenes nila ni Derek, na medyo pumi-Fifty Shades of Grey.
Marami nang nagawang love scenes si Lovi in the past, pero isa ito sa boldest.
May twist pa sa karakter ni Christopher de Leon na bibigyan siya ng ‘option’.
Anong feeling ni Lovi na hindi lang niya nakapareha kundi pareho niya pang naka-love scenes sina Derek at Boyet sa nasabing pelikula?
“I was so happy. Ha! Ha! Ha! Of course. I mean, let’s face it, every woman wants have a love scene with Derek.

“So, I’m glad that I was given the opportunity to work with him and have a movie with him.
“With Christopher de Leon, it’s one of the things na hindi ko ine-expect.
“Parang isa siya sa matagal ko nang tinitingala na artista, tapos magkakaroon kami ng ganu’ng klaseng eksena?
“So, nakakanerbiyos. But he really took care of me,” pakli ni Lovi na gumaganap bilang si Yassi, isang virginal girl na makikipagtalik lang sa lalaking papakasalan siya, sa Regal flick na The Escort.
***
Tama ang hula namin. Nang usisain namin si Derek kung anong sexual position ‘yung tinanggihan niyang gawin kay Lovi, ang sagot ng hunky actor ay, “Very rough na position na parang doggie-style.”
Tapos, ang posisyon pa ng kamera ay nakaharap mismo sa mukha ni Lovi.
“Sabi ko, ‘No, this won’t be good for you. Ako nang bahala kumausap sa direktor,’” sey ni Derek.
In fairness ay willing si Lovi na gawin ang mapangahas na eksenang ‘yon na may pa-doggie position. Si Derek pa ‘yung umayaw rito.
“Yeah. Alam mo, kung hindi ako nagsalita, gagawin niya. Kaya nga sabi ko, sobrang palaban (ni Lovi)!”
Eh bakit ba kasi hindi na lang niya itinuloy?
“Kasi, I don’t think it would be good for her. So, sabi ko, ‘Direk, parang hindi yata fit ‘tong eksenang ‘to. At the end of the day it’s your decision, pero I strongly suggest na ibahin natin and I have a couple of suggestions if you’re willing to hear it. And he said, ‘Yeah, let me know.’
“And he listened to my suggestions and that’s what we did. So, it came out sexier and more appropriate. Lovi didn’t look like someone that was being abused.”
Feeling ba niya, it was too much na parang pa-porno na ‘yung eksena?
“It was too much in the sense na it doesn’t fit with the story. So, parang ako, hindi naman ‘yun ‘yung karakter na pino-portray ni Lovi rito, eh. Bakit natin ilalagay ‘yon?
“And direk completely agreed with me and we shot it in a different way.”
Kung ibang aktor ang kaeksena ni Lovi ay malamang itinuloy ang posisyon na ‘yon, pero si Derek ay umiral ang pagiging disente at gentleman.
“Gaya nga ng sabi ni Lovi, most men would have just said, ‘Let’s take advantage of it.’ But ako, umaarte ako and it’s not something that I would do in a scene with her,” katwiran ng aktor.
Sa November 2 ang showing sa mga sinehan nationwide ng The Escort mula sa Regal Films.
TANG-Na ninyong mga artista kayo. Lason kayo sa kaisipan ng mga kabataan. Kaya papalit-palit, palipat-lipat kayo kapag nagsawa na.