Kakaiba ang drama ng pagpapa-sexy ni Lovi Poe sa bakasyon niya sa Amanpulo. Kasama niya ang kaibigan niyang si Heart Evangelista.
Ipinamalas ni Lovi ang kakayahan niya sa sexy pictorial sa iba’t ibang pose niya.
Nakapukaw ito ng atensyon ng marami niyang followers sa Instagram.
Ito ‘yung nakahiga ang Kapuso star nang patagilid at nakaunat ang kanyang mga kamay sa puting buhangin.
Dahil nga skin-tone ang suot ni Lovi at one piece bathing suit pa, nagmukha siyang hubad sa larawan.
Nagmistula rin siyang puting ahas sa hugis ng kanyang katawan.
Ang landi-landi ni Lovi sa itsura niya at sa pagkaka-pose niyang ito.
Kung buhay ang buhangin, malamang tinablan na ito sa pagkakadikit ng katawan niya.
Lumalaban sa palakasan ng sex appeal si Lovi. Ang tapang ni Lovi na ipangalandakan ang kanyang alindog.
Well, hindi naman kataka-takang maging pantasya si Lovi ng mga barako. Bukod sa napakaganda ng aktres, saksakan pa ito ng harot sa kanyang mga larawan.
May dalawang linggo pa bago sumapit ang Pasko, pero may aginaldo na si Lovi sa kanyang male followers.