Lovi, sasabak sa TRIPLE X

Lovi Poe

Ayon sa manager niyang si Leo Dominguez, ngayon ang balik ni Lovi Poe mula sa pagbabakasyon sa Europe (kung saan ay um-attend siya sa kasal nina Hayden at Dra. Belo sa Paris, France).

Nagdesisyon si Lovi na i-advance ng isang araw ang uwi niya ng ‘Pinas dahil gusto niyang makapagpahinga muna ngayong weekend.

Sa Lunes ay may trabaho na siya agad-agad.

Hindi lang kami sure kung ‘yung Triple X (working title) new primetime teleserye niya sa GMA 7 ang aatupagin na ni Lovi sa Lunes o ibang proyekto pa, pero definitely, magsisimula kaagad ang taping ng series na ‘yon.

May idea na kami kung anong show ang papalitan ng Triple X, pero hindi pa puwedeng banggitin!

Nakakaintriga ang working title ng new teleserye ni Lovi sa Siyete, pero ayaw ikuwento pa ng kampo ng sexy actress/singer kung ano ang tema ng show na ‘yon.

Anyway, sa pagbabalik sa bansa ni Lovi ay tiyak na uuriratin siya tungkol sa pagliliwaliw nila sa iba’t ibang parte ng Europe ng French-businessman boyfriend niya na si Chris Johnson.

***

Pauleen Luna
Pauleen Luna

NAKASALUBONG namin kahapon sa backstage ng Eat Bulaga si Pauleen Luna at nagulat kami dahil biglang lumaki ang tiyan niya.

“Oo nga! Parang kailan lang, medyo maliit pa.

Pero ngayon, ang laki na!” sey niya at sinabing pitong buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Siyempre, babae ang ipinagbubuntis ni Pauleen, kaya blooming ang misis ni Bossing Vic Sotto.

***

Nasa Eat Bulaga kahapon ang hunk actors ng GMA 7 na sina Jak Roberto (na “pandesal” ang tag dahil sa napa­kagandang abs), Martin del Rosario, Jeric Gonzales (na hindi na chubby), Kristoffer Martin (na very nice dahil nang makitang naglapitan sa amin para bumati ang mga kasamahan niya ay lumapit din siya sa amin at nagpakilala) at Ruru Madrid (na yumakap pa sa amin at nangumusta).

Isinama sila sa jackpot segment ng JACKPOT EN POY para maiba ang pagpipiliang “Dabarkads” ng contestant sa game na ‘yon.

Si Ruru, wala akong maipintas sa ganda ng kanyang PR. Retentive ang kanyang memory at madaling natatandaan ang entertainment press na nakakasalamuha niya sa mga presscon ng Kapuso network.

Malayung-malayo siya sa isang young actress ng Kapuso network na sa tuwing may presscon lang matsika sa entertainment press at parang kilalang-kilala niya ang mga kaharap.

Pero kapag nakasa­lamuha mo siya sa ibang okasyon, hindi ka na kilala!

Si Jak, sinabihan namin na habang nasa Amerika kami ay nandoon din ang girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Nasa Eastcoast ang young actress at nasa Westcoast naman kami, kaya hindi kami nagkaroon ng chance na magkita roon.

Hindi namin alam kung hindi lang narinig ni Jak ang sinabi namin, pero parang dedma lang siya.

Tama ba ang nakarating sa amin na may nagsabi kay Jak na huwag masyadong maging open tungkol sa relasyon nila ni Barbie, kaya posibleng umiwas siya sa sinabi namin?

Nabanggit namin sa isang malapit kay Jak parang dedma ang boyfriend ni Barbie sa sinabi namin.

Tanong kaagad ng kausap namin, “May katabi po bang handler o maraming nakakarinig, kaya baka po dedma. Hindi po kasi puwede talaga na masyadong magsalita si Jak tungkol sa kanila ni Barbie. Hahaha!”

Well…

Si Jeric naman, habang katsika namin, very proud na nawala na ‘yung baby fats niya at puwede na rin siyang maihanay sa hunk actors ng Kapuso network!