Ayaw magsalita ni Lovi Poe sa kumakalat na tsika na hiwalay na sila ng kanyang Filipino-French boyfriend na si Chris Johnson.
Dati-rati kasi, madalas silang nakikitang magkasama sa mga okasyong dinadaluhan nila.
Proud din ang bawat isa na i-post ang kanilang mga picture together sa social media.
Pero, lately, maraming netizen ang nagtataka na matagal nang hindi nagpo-post ang dalawa na magkasama sila sa picture.
Kaya, lalong tumitibay ang sapantaha na hiwalay na o nagkakalabuan na ang dalawa.
Huling nag-post si Lovi ng picture na kasama si Chris noong Mayo samantalang noong Hulyo naman ang last photo ng businessman kapiling ang Kapuso actress.
Last month, nagkita ang dalawa nang dumalo sa kaarawan ng isang kaibigan subalit kapansin-pansin na magkalayo sila sa kinunang group photo sa nasabing okasyon.
Maraming netizen ang nakapansin dito at nag-urirat kung hiwalay na sila subalit hindi sumagot ang isa man sa kanila. Dahil dito, patuloy ang mga bulung-bulungan na naghiwalay na ng landas ang dalawa. (Archie Liao)