Ni Vinia Vivar

“Hottest men in the industry” ang tawag ni Lovi Poe sa kanyang mga leading men sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” na sina Marco Gumabao at Tony Labrusca kaya naman talagang nag-enjoy daw siya doing the film. Bukod dito ay napakasarap daw katrabaho ng dalawa kung saan ay pareho siyang may mga maiinit na love scenes.

First time ni Lovi na nakasama sa pelikula’t naka-love scene pa sina Marco and Tony kaya naman sa presscon ng movie held last Saturday ay natanong siya kung paano niya ide-describe ang love scenes niya sa dalawang aktor.

“That was good,” ang deskripsyon ni Lovi sa love scene with Marco. “He was very maalalay and. . .nakaka-stress,” sabay tawa ng aktres.

Paliwanag ni Lovi kung bakit siya na-stress, “si Direk (Joel Lamangan) kasi,” sabay tawa ulit.

“No because, may mga surprise. Si Direk kasi, parang minsan… of course, may choreography and e­verything, and then, there comes his move na nagulat ako. Kasi alam ko, binulong ni direk,” natatawang kuwento pa ni Lovi.
Panoorin na lang daw para malaman kung ano ito.

Pagdating naman kay Tony, very critical daw ang mga love scene nila, “and it’s just so nice that I was able to share that level of emotion with him.”

***

Natakot kay Direk Joel

Dahil first time nilang makatrabaho si Direk Joel, aminado sina Marco at Tony na natakot sila sa direktor noong una.

“Natakot talaga ako, sabi ko, kina­kabahan ako, because siyempre, si direk ‘yan and sabi ko, kailangan ko galingan ‘to, kasi kung hindi ko gaga­lingan ‘to, mapapa­galitan talaga ako,” sey ni Marco.

Pero sa first day pa lang daw ay doon niya nalaman na sweet naman pala si direk at hindi naman pala mataray na direktor tulad ng imahe nito.

Si Tony naman ay talagang inagahan daw niya ang dating sa first day of shooting. Napasobra pa nga ang aga dahil 1 hour before the call time ay naroron na siya.

“Tapos, may isang scene kami na kailangan kong umiyak. Tapos, hindi ko magawa kasi akala ko, time shot na. Tapos, sabi nila, pinapatawag daw ako ni direk sa kuwarto. Sabi ko, ‘eto na, sasampalin na ako ni direk,’” natatawang kuwento ni Marco.

Fortunately ay hindi naman siya nasampal and on the contrary ay sobrang bait daw ni direk at lahat ng tanong and concerns niya tungkol sa kanyang karakter ay sinagot naman daw nito.

“And what I really like is, ‘pag ginagawa mo ‘yung best mo and you’re trying your best to understand what direk is saying, he’s a very colla­borative director. He didn’t make me feel like I was stupid.

“I tell everybody this who asks me, I honestly had such an ­enjoyable experience wor­king with direk,” sabi ni Tony.

***

Anne, Angel kinumpara kay Lovi

Matatandaang parehong gumawa ng May-December love affair movie sina Tony and Marco. Ang una ay ang “Glorious” with Angel Aquino at ang huli naman ay ang “Just A Stranger” with Anne Curtis. Pareho ring may mga umaatikabong love scene ang dalawang aktor sa kanilang leading ladies.

Paano nila ikukumpara ang love scene with Lovi sa mga naunang leading ladies nila na sina Anne ang Angel?

“It’s completely different,” sey ni Tony, “kasi, first of all, ‘Glorious’ was also directed by a woman, so direk Connie (Macatuno) has a very different view on how she wants her sex scene and I really appreciate how she wanted it and executed.

“Pero Direk Joel’s take on the love scenes that we did are completely different, I can tell you that much. So, I’m just excited for you guys to see it, and then, you, guys will know what we’re talking about. Kasi, maganda talaga siya.”

Ganoon din naman ang sabi ni Marco – magkaibang-magkaiba raw ang mga love scene niya with Anne sa “Just a Stranger” at kay Lovi sa “Hindi Tayo Pwede”.

“Iba kasi ‘yung cha­racters, eh. Iba ‘yung situation ng character, iba lahat ang dating. You can also see na magkaiba talaga,” ani Marco.

Sino ang mas sexy?

“Both (Lovi and Angel). Everybody has their own sex appeal,” sabi ni Tony.
Samantala, showing na nga­yong March 4 ang “Hindi Tayo Pwede” hatid ng Viva Films.

***

Mas sariwa ang mga lalaki

Taong 2013 nang gawin ni Lovi ang “Lihis” at ang leading men naman niya ay ang dalawang hottest actors that time na sina Jake Cuenca and Joem Bascon.
Ano ang feeling na this time ay mas bata naman ang kanyang ­leading men?

“Well, first of all, I’m just really grateful just to be given the opportunity to work first with fantastic actors.

“You know, to make a good film, you have to be surrounded by the best team. I have Direk Joel, I have sir Ricky Lee (ang sumulat ng script ng “Hindi Tayo Pwede”).

“And then, now, just to share the movie screen with these guys is so good that I can’t even explain how excited I am with this film. I keep saying actually na this movie, I’m very proud of, and the fact that I worked with Marco and Tony is truly a blessing because I feel like I was given like the best cast, (and was) given the opportunity to work with them,” saad ni Lovi.

Masayang-masaya naman si Direk Joel sa tatlo niyang artista dahil sinunod daw lahat ang gusto niya pagdating sa mga love scene.

“Ngayon lang ako gumawa ng pelikula na hindi ako nahirapan sa love scenes.

Mahirap sa direktor ang gumawa ng love scenes, gumawa ng love scenes na hindi nakakasuka, gumawa ng love scene na hindi naiinsulto ang sensibility ng manonood,” sey ni Direk Joel.

Pero dahil nga sinunod lahat ng tatlo niyang artista ang lahat ng gusto niya ay hindi siya nahirapan.

“Mahirap kasing gumawa ng love scene na ‘yung artista, ayaw gawin.

Nakapahirap ng ganoon. Eh ayaw gawin, paano mo gagawin? Ito, hindi. Willing sila at cooperative sila at naiinintindihan nila ang vision na meron ako roon sa love scene na ginagawa nila,” pahayag pa ng award-winning director.

Hindi raw sumakit ang ulo niya sa tatlo dahil pawang napakahuhusay daw ng mga ito sa buong pelikula, hindi lang sa mga love scene.