NAUMAY kami sa mga tanong kay Lovi Poe tungkol sa ex-boyfie niyang si Rocco Nacino sa presscon ng Someone to Watch Over Me kaya hindi na namin siya inukilkil pa tungkol doon.

Mas interesado kaming malaman kung sino ang hot hunk na si Chris Johnson na naka-date niya nang magbakasyon ito sa ‘Pinas kamakailan.

Kita namin na iba ‘yung mga ngiti ni Lovi at parang mas nabuhayan siya nu’ng usisain namin siya tungkol kay Chris kesa nu’ng panay Rocco ang tinatanong sa kanya.

Tsika ng sexy Kapuso actress, si Chris ay French-Filipino, single, businessman at nakatira sa France.

Dito sila nagka­kilala not so long ago, tapos ay nagkita ulit sila nu’ng dumalo si Lovi sa kasal ni Solenn Heussaff sa France.

Kasama niyang rumampa si Chris sa French Riviera, sa Monaco at kung saan-saan pa, with another friend ni Lovi na girl.

Sey ni Lovi, magkaibigan lang sila ni Chris at saka, “He lives far away. Mahirap ‘yung ganu’n, eh!”

Nagpunta rito ang guwaping na binata para magbakasyon.
May pamilya rin ito rito, kaya hindi lang siya ang pinuntahan ni Chris.

Friends lang pala sila, eh bakit pa-hashtag pa siya na #LoviChrissy sa Instagram?
Natawa si Lovi at ang sagot sa amin ay lagi si­yang may hashtag sa lahat ng bagay.

Ayaw niyang bigyan ng malisya kung anuman ang meron sila ng Fil-French hunk.

“Actually, zero lovelife ako ngayon, eh. Sa totoo lang. I still have to straighten out things with myself,” pakli ng kapareha ni Tom Rodriguez sa upcoming primetime soap ng GMA.

But obviously ay inte­resado sa kanya si Chris, ‘di ba?
“I really don’t know. I’m very dense.”

Hellooo, may pa-­island keme na silang dalawa, ‘no! Nangabayo pa sila together sa dalampasigan!

“Ha! Ha! Ha! Ha! Wala akong mabibigay na label. Right at this very moment, the label that I can give is that we’re friends talaga.”

“Kasi, matagal na kaming naghiwalay ni Rocco, pero hindi pa ako handang pumasok sa bagong relasyon,” bulalas ni Lovi.

But of course, nu’ng nandito si Chris ay in-­enjoy nila ‘yung moments nila together.

Nang itanong namin kung saan ‘yung magandang isla na ‘yon na nag-horseback riding sila ni Chris by the beach ay ayaw sabihin sa amin ni Lovi.

Bigla siyang nagpa-girl.

“Hayaan n’yo na akong magpa-girl. Minsan lang naman. Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak niya.

Dugtong niya, “Ayo­kong bigyan ng meaning ‘yon. Kasi, I don’t wanna jump into anything. I’m enjoying the ­single life!”

Ani Lovi, wala siyang ibang dine-date ngayon dahil busy siya.

Nang sabihin namin sa kanya na ang yummy ng da­ting ni Chris at bagay sila ay halatang kini­lig si Lovi.

Puwede naman sila, ‘di ba?
“Siguro, kung mangyayari.”

Nakatulong ba si Chris sa pagmu-move on niya from Rocco?

“Wala pa kasi akong balak na ano… ninanamnam ko pa ‘yung nangyayari. It takes time, siyempre.”

NINAMNAM din ba niya si Chris?!

Laugh na naman ang dalaga, na may kakaibang kilig sa binatang Pranses.