Sa katwirang madalas na ugat ng korapsyon ang bidding process na kadalasang napupunta sa lowest bidder, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanyang administrasyon ay hindi mapupunta sa lowest bidding contractor ang mga kontrata ng pamahalaan dahil “quality” ang habol ng pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na gobyerno ang lugi sa mga murang kontrata na inia-award sa lowest bidder dahil substandard ang mga nakukuhang produkto.
Dahil dito, nagpasantabi na ang Pangulo sa Commission on Audit na sa kanyang administrasyon ay hindi susundin ang Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act of 2003.
“Pahabulan sila ng presyo, bababaan mo ‘yung presyo, e ‘di ‘yung bilhin mo sa akin ay made in — alam mo na…,” pahayag ni Pangulong Duterte sa pagharap nito sa may 1,200 miyembro ng medical corps ng AFP sa V. Luna Hospital.
Sa ilalim ng kanyang pamahalaan, state of the art equipment umano ang bibilhin. Mahal man pero may kalidad gaya ng nakatakdang pagbili ng mga baril at hospital equipment para sa mga sundalo at pulis.
Yes..yan ang dapat..!