Lowry, DeRozan sanib-puwersa sa paggupo ng Raptors vs Spurs

Tumiba si Kyle Lowry ng 24 points at DeMar DeRozan ng 21 at sapawan ng Toronto Raptors ang San Antonio Spurs sa unang tsansa sa loob ng dalawang taon, 86-83 panalo, Biyernes.

Dagdag din si DeRozan ng anim na assists at pitong rebounds para sa Raptors na naitasa ang rekord sa 31-13 sa NBA season at 17-3 sa Air Canada Centre arena.

Ang Spurs, na may sariling best home record sa liga, 19-2, ay naipanalo ang apat na sunod kontra Raptors. Huling ginapi ng Toronto ang San Antonio, 97-94 noon pang Disyembre 2015.

Kumaldag ang sentrong si Jonas Valanciunas ng double –double na 15 points at 11 rebounds sa harap ng sold out crowd na 19,800.

Kumikig si LaMarcus Aldridge ng 17 points at 14 rebounds para sa Spurs na absent ang maraming bida sanhi ng injuries, kasama na si Manu Ginobili (right thigh contusion) at Kawhi Leonard (quadriceps).

Si Fred VanVleet, na gasgas ang kanyang tuhod sa kanilang 117-111 bigo nung Lunes sa Philadelphia ay hindi naman nakapaglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon para sa Toronto.

Ani DeRozan, maangas ang San Antonio kahit wala ang kanilang mga bida.

“They’re just a product of the San Antonio Spurs,” bulalas ni DeRozan. “What they’re capable of every single night, with their starters or without their starters, they’re a well-rounded group. Everybody understands their roles and they play extremely hard.”