LPA bagyong Isang na

Ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) na bumabayo ngayon sa bahagi ng Batanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinangalanan nang Isang ang naturang bagyo at may posibilidad pang lumakas o maging tropical storm sa susunod na 24 hanggang 36 oras.

Alas-kuwatro ng hapon kahapon nang huling namataan ang bagyong Isang sa layong 630 kilometro ng Sila­ngan ng Basco, Batanes na may lakas ng hangin na hanggang 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 65 kph.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 19 kilometro kada oras.

Itinaas na ng PAGASA ang Storm Signal 1 sa Batanes group of Islands at Babuyan group of Islands.

Asahan na umano ang katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malakas na pag-ulan sa loob ng 300 km diameter ng tropical depression.