LPA binabantayan ng PAGASA

Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 370 ­kilometers East ng Baler, Aurora.

Ayon kay Benison Estareja ng PAGASA, maliit ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Gayunman, pinalalakas nito ang Habagat na naghahatid ng pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at lalawigan ng Aurora.

Sakaling makalapit sa kalupaan ang LPA sa susunod na dalawang araw, sinabi ni Estareja na maaapektuhan na rin ng Habagat na pinalalakas ng LPA ang Southern Luzon at Metro Manila. Maliit ang tsansa na ma­ging isang ganap na bagyo ang LPA.