Isang Low Pressure Area o LPA ang binabatayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, bagama’t nasa labas pa ito ngayon ng Philippine Area of Responsibilty.
Ang Metro Manila ay mananatiling makakaranas ng mainit na panahon na may tiyansa ng pag-uulan sa hapon.
Muli namang nagpaalala ang PAGASA na palagiang uminom ng tubig dahil mataas pa rin ang heat index na mararanasan sa mga susunod na araw.
Kamakalwa ay pumalo sa 37 degree celsius ang naitalang init factor sa Metro Manila na naitala sa PAGASA Science garden sa Quezon City.
Pinakamainit pa din sa San Jose, Occidental Mindoro na ang heat index ay nasa 50 degree celcius na sinundan ng 47 degree sa Tanauan City, Batangas at 44 degree celsius sa Cavite City.