LPA magpapaulan sa Mindanao

Apektado ng buntot ng Low Pressure Area (LPA) ang malaking bahagi ng Mindanao na makararanas ng katamtakan hanggang malalakas na paguulan.

Ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) umiiral ang Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ sa katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz na ang binabantayang LPA ay huling namataan sa layong 495 kilometro east southeast ng Davao City.

Ang trough o buntot ng LPA ay nagdadala na ng pag-uulan sa silangang bahagi ng Mindanao.

Inaasahang magpapaulan din ang LPA sa ilang parte ng Visayas sa mga susunod na araw gayunpaman hindi ito inaasahang magiging isang bagyo.

Sa Luzon ay asahan pa rin umano ang mainit at maalinsangang panahon. (Tina Mendoza)