LPA, malabong maging bagyo

lpa-philippines

Pinawi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pangamba ng publiko sa umiiral na low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa weather bureau, mahina ito at malabong maging ganap na bagyo.

Sa tala ng Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 415 kilometro sa ­silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Gayunman, paiigtingin nito ang hanging habagat­ na magdadala ng ulan sa western section ng ating ­bansa.

Samantala, asahan na rin ang thunderstorm sa Caraga region, Metro Manila at iba pang mga kalapit na lugar sa susunod na araw.