LPA namataan sa Luzon

Namataan ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Station (Pagasa) ang isang low pressure area (LPA) sa Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa iba pang isla sa bansa.

Sa ipinalabas na weather bulletin ng Pagasa, alas-kuwatro nang mada­ling-araw, ang LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Cagayan Valley, Cordillera regions at Aurora province.

Nabatid na alas-tres nang mada­ling-araw ang LPA sa tinatayang nasa layong 455 km silangan ng Baler, Aurora.

Habang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng manaka-nakang pag-ulan dala ng thunderstorms.

Ang hilagang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng bayad na hangin maging ang coastal waters ay may taas na 1.2 meters hanggang 2.8 meters.

Samantala, ang silangan bahagi ng Luzon at Vizayas ay makakaranas ng banayad hanggang sa malakas na hangin patungo sa Luzon at Vizaya.(Juliet de Loza-Cudia)