LPA pumasok na sa PAR

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao kahapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huli itong namataan sa 1,025 kilometro ng Surigao City at maliit umano ang tsansa na maging ganap na bagyo ito.

Maaari namang makaranas ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Metro Manila gayundin ang Central at Southern Luzon, Bicol Region at iba pang lalawigan sa Cagayan at Isabela.