LPA salubong sa Huwebes Santo

pagasa-low-pressure-area

Isang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang posibleng pumasok bukas sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Rene Pasiente, Assistant Chief ng PAGASA Weather Services, posibleng maging tropical depression o mahinang bagyo ang nasabing LPA bago ito mag-landfall sa Sabado ng gabi sa Eastern Visayas.

Sakaling tuluyang maging bagyo, papangalanan itong bagyong ‘Crising’ at magiging pangatlong bagyo na pumasok sa PAR ngayong 2017.

Ito ay inaasahang may lakas na 45-61 kilometer per hour at magdadala ng pag-ulan sa Eastern at Southern Visayas, Bicol region at ilang bahagi ng Mindanao, Mindoro, Batangas at Cavite

Ang Metro Manila ay magkakaroon naman ng magandang panahon mula Huwebes hanggang Biyernes Santo pero makakaranas ng ‘light rains’ Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas ito ng PAR sa Lunes ng umaga sa bahagi ng Mindoro.