Pinayuhan kahapon ng Department of Energy (DOE) ang publiko na bumili na ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) bago magtapos ang buwan ng Setyembre dahil sa may nakaambang na pagtaas ng presyo nito.
Ayon sa DOE, posibleng tumaas ng P5 kada kilogram ang presyo ng LPG sa susunod na buwan.
Posibleng aabot umano sa mahigit P700 ang kada tangke ng LPG sa buwan ng Oktubre kumpara sa mahigit P600 na presyo nito ngayong Setyembre.
Ang nasabing taas presyo ay epekto pa rin umano ng nangyaring pag-atake sa oil facility ng Aramco sa Saudi Arabia.
Tuwing katapusan ng buwan ipinapatupad ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng LPG. (Armida Rico)
LPG sisirit sa P5 kada kilogram
