LRT-1 Roosevelt station, sarado hanggang Marso 31

Paiiralin ngayon ng pamunuan ang Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) ang passenger traffic scheme na kung saan ay pansamantalang isasara ang Roosevelt station sa Quezon City mula kahapon hanggang Marso 31 para magbigay-daan sa konstruksyon ng Unified Grand Central Station.

Ang common station o Unified Grand Central Station ay magdurugtong sa LRT-1, Metro Rail Transit Line-3 (MR-T3) at MRT-7.

Sa loob ng tatlong buwang konstruksyon, maaaring bumaba at sumakay ang mga pasahero sa ikalawang huling estasyon na Balintawak station.

Maglalaan naman sila ng special shuttle train sa Balintawak station para makatulong sa dagsang pasahero tuwing rush hours na ihahatid na Roose­velt station. (Vick Aquino)