Pinaghahanap na ng ibang option na masasakyan ang mga commuter ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) dahil matatagalan pa bago maibalik sa normal ang buo ang operaston matapos na masunog ang dalawang rectifier nito, kamakailan.

Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Reynaldo Berroya na oorderin pa sa ibang bansa ang ipapalit sa nasunog na piyesa na aabot sa P.5 bilyon at ang pagre-repair ay tatagal pa ng ilang buwan.

Una nang napaulat na tatagal ng siyam na buwan bago maayos ang LRT-2.
Gayunman pipilitin na maibalik sa susunod na linggo ang operasyon ng LRT-2 mula Cubao station hanggang Recto station.

Nabatid na mahigit sa P1milyon kita kada araw ang mawawala sa operasyon ng LRT.

Ayon kay Berroya, ayaw naman nilang ibigay sa pribadong sektor ang operasyon ng LRT-2. (Juliet de Loza-Cudia)